Saturday, May 25, 2024

Buong lakas ni Yassi Pressman, hinigop ni Gov. Luigi Villafuerte

Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang ‘intense halikan’ ng magkasintahang sina Yassi Pressman at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.

Buong lakas ni Yassi Pressman, hinigop ni Gov. Luigi Villafuerte
PHOTO : Yassi Pressman and Gov. Luigi Villafuerte

Viral ang video ng ‘laplapan’ nina Yassi at Gov. Luigi sa social media na kuha mula sa pagbubukas ng Kaogma Festival ng probinsya noong Huwebes, May 23.

Yassi, nag-perform sa Kaogma Festival 2024 opening

Sa simula ay hinandugan muna ni Yassi ng isang buwis-buhay na aerial dance ang mga taga-CamSur.

Kasunod nito ay isang mainit na dance performance ang ipinamalas ni Yassi kung saan isa sa kanyang sinayaw ay ang sikat na sexy dance na “Water” ni Tyla at “Lagabog” ni Skusta Clee ft. Illest Morena.

Duet nina Yassi at Gov. Luigi, nauwi sa mainit na halikan

Hanggang sa huling bahagi ng kanyang performance, sinamahan na siya ni Gov. Luigi kung saan nag-duet sila sa kantang “Hero” ni Enrique Iglesias.

Ngunit hindi inaasahan ng marami na may iba pang gagawin sina Yassi at Gov. Luigi bukod sa pagkanta. 

Simula pa lang ng kanilang duet ay kapansin-pansin na ang mainit na titig ni Gov. Luigi kay Yassi. 

Hanggang sa tila hindi na nga nakapagpigil pa si Gov. Luigi at sa kalagitnaan ng kanilang pagkanta ay bigla niyang hinalikan si Yassi.

Ngunit nawindang ang audience at maging ang netizens dahil hindi lang simpleng halik ang pinagsaluhan nina Yassi at Gov. Luigi sa stage kundi isang mainit na halik. 

Makikitang tila lamunin na ng buo ni Gov. Luigi ang bibig ni Yassi sa tindi ng kanyang paghalik dito.

Kaya nauwi sa ‘laplapan’ o mistulang ‘nagmu-mukbang’ na raw sina Yassi at Gov. Luigi sa tindi ng kanilang halikan. 

Reaksyon ng netizens sa halikan nina Yassi at Gov. Luigi

Samantala, umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang halikan nina Yassi at Gov. Luigi sa harap ng maraming tao. 

May ilang kinilig sa kanilang ipinakitang public display of affection o PDA habang marami rin ang nadismaya at hindi ito nagustuhan.

Ayon sa maraming netizens, hindi magandang ehemplo lalo na sa kabataan ang ginawa ni Gov. Luigi, lalo pa’t isa itong public servant.

May nagsasabi rin na hindi na nirerespeto ni Gov. Luigi si Yassi.

Komento ng Netizens:

 “Gigil nanaman si gov ay. Haha”

 “Seriously Gov Luigi Villafuerte in front of many people nag gagaganyan kayo? Public servant pa man din”

 “Dapat hinubaran na din. Ano yan live show? Ganyan ba iboboto nyong Polpolitiko?”

 “Sana all hinigop at minu mukbang”

 “May halong yabang na yan! Kaunting respeto sa publiko.”

 “Walang delikadesa ung ganyan babae.”

 “Ang ganda pa naman ni yassi prang pastime lng ni gov.”

Hindi ito ang unang beses

Lingid sa kaalaman ng marami, hindi ito ang unang beses na nag-PDA sina Yassi at Gov. Luigi. 

Matatandaang sa 74th Foundation Day ng Bombon, Camarines Sur, noong August 13, 2023 ay hinalikan din ni Gov. Luigi si Yassi sa harap ng maraming tao.


0 comments:

Post a Comment