Friday, May 24, 2024

Anak ni Kuya Kim naging “homeless” sa Amerika, alamin ang dahilan

Naging sentro ng usap-usapan sa social media ang anak ni Kuya Kim Atienza na si Eliana matapos itong ma kicked-out at naging homeless sa Amerika.

Anak ni Kuya Kim naging “homeless” sa Amerika, alamin ang dahilan
PHOTO : Kuya Kim and Eliana Atienza

Lumabas ang mga balita na ang isa sa anak ni Kuya Kim na si Eliana 19, ay na kicked-out sa University Of Pennsylvania dahilan upang maging homeless ito at walang matirahan sa Amerika.

Paano na kicked-out ang anak ni Kuya Kim Atienza na si Eliana sa University Of Pennsylvania?

Ayon sa isinulat ng New York Post, sumali si Eliana sa isang “on-campus anti-Israel encampment”.

Isa ang anak ni Kuya Kim na si Eliana ang sumali sa isang protesta dahil kontra ito sa kaniyang paaralan (University Of Pennsylvania) na may financial ties sa Israel.

Anak ni Kuya Kim naging “homeless” sa Amerika, alamin ang dahilan
PHOTO : Eliana Atienza

Dahil dito, kabilang si Eliana sa anim na mga estudyante na nakicked-out sa school campus dahil sa paglahok sa isang protesta laban sa Israel na nakikipagdigmaan ngayon against Hamas kasunod ng mga nakamamatay na terror attacks.

Base sa ulat, nakapirma rin ang anak ni Kuya Kim sa isang kasulatan na nagpapakita ng suporta sa mga Palestinians na kasalukuyang nakikipaglaban na mabawi ang kanilang mga lupain na sinakop ng mga Israelita.

Anak ni Kuya Kim na si Eliana, tinanggalan ng karapatan sa kaniyang Unibersidad

Ayon pa kay Eliana na nawalan na siya ng access sa kaniyang Unibersidad, ibig sabihin na pinagbawalan na itong pumasok sa campus at pati ang kaniyang tinitirahan na dorm ay binawi sa kaniya.

Dito na naging homeless ang anak ni Kuya Kim dahil wala itong malapitan o maging kamag-anak sa Amerika.

Saad niya : “I don’t have any family to go back home to here”.

“When the university fails to protect its Palestinian students, we create a freedom camp.

“When the university ignores us, disciplines protesters, and denies us a space to host teach-ins and movie screenings, we continue.

“The only threat here is the power of the people and the students we have standing behind us.

“I live on campus. The university has barred me from entering. In other words, the university has made me houseless.

“I am also an international student. The university knows this. This is their weapon. I am so disappointed to be attending an institution that resorts to administrative violence.”

Kuya Kim, suportado ang adbokasiya ng kaniyang anak na si Eliana

Sa isang pahayag, sinabi ni Kuya Kim Atienza na suportado ng kanilang pamilya ang anumang adbokasiya ni Eliana.

Saad ni Kuya Kim : “Eliana has always been vocal about what she believes in. In this instance she’s part of the organization that is anti-genocide and anti-war”.


0 comments:

Post a Comment