Friday, May 17, 2024

Mystica, tinawag na “dugyot” ang mukha at paresan ni Diwata

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagtawag na “dugyot” ng singer-performer at “Split Queen” na si Mystica kay Diwata at sa kaniyang paresan.

Ayon pa kay Mystica na hindi lang siya ang nakapansin na pinipili lang umano ni Diwata ang mga tao na pinapayagan niyang magpa-picture sa kanya.

Magkaiba raw ang trato ni Diwata sa mga vloggers, mayayaman at mga taong nagbibigay sa kaniya ng regalo, tulong at mga pera, todo asikaso umano ang negosyante kahit buong araw pa.

Ngunit pagdating umano sa mga customers niya na mga ordinaryong tao ay ayaw raw nito magpa-picture o makipag-halubilo.

Ayon pa kay Mystica, kapansin-pansin na raw na lumaki ang ulo ni Diwata at tumaas ang ‘ere’ nito mula nang pagkaguluhan siya at sumikat.

Mukhang nakakalimutan na raw ni Diwata na “siya” ang dahilan kung bakit pinupuntahan ang kanyang paresan at hindi ang tinitinda niyang “nilalangaw” na pares overload.

Sa “realtalk” ni Mystica para kay Diwata sa kaniyang social media account, tinawag niya na dugyot ang katawan, ugali at mismong paresan ni Diwata.

“Unahin mo ang sanitation at kalinisan ng mga kumakain sa iyo, yun ang dapat inaasikaso mo, hindi ang mangbara ng mga taong ikaw naman talaga ang pinunta, hindi ang pares mo,

“Hindi niya alam na ito ang magpapabagsak sa kanyang nilalangaw at dugyot na ugali, dugyot na katawan at pagmumukha at dugyot na paresan!” ayon kay Mystica.

Samantala, rumesbak naman si Diwata tungkol sa mga sinabi ni Mystica tungkol sa kanya at sa paresan niya.

Sa isang video na kumalat na rin sa social media, naitanong kay Diwata ng isang vlogger kung kilala niya si Mystica at ayon sa vlogger nagkape umano si Mystica sa paresan niya.

Ani ng vlogger; “Diwata, anong masasabi mo na nagkape si Mystica dito sa paresan mo?”

“Sino si PISTEca? nagkape siya dito? nagkape pala si PISTEca sa pwesto ko.. alam mo wala akong pakiaalam kay PISTEca dahil matagal ng laos yan” sagot ni Diwata.


0 comments:

Post a Comment