Friday, May 31, 2024

Richard Gutierrez at Barbie Imperial, exclusively dating na

Kinumpirma ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz na “exclusively dating” na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

“Kumpirmado exclusively dating na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial. Ayon sa aming very reliable source, walang overlapping na naganap at hiwalay na umano sina Richard at Sarah bago pa pumasok sa eksena si Barbie,” panimula ni Ogie.

“Last year pa hiwalay umano ang mag-asawa, pareho nang single at co-parenting na lang sa kanilang dalawang anak. Si Barbie daw ay ngayong taon lang nakapalagayan ng loob ni Richard. Ani pa ng source namin, Barbie had nothing to do with the hiwalayang isyu,” ani ng talent manager.

Kung matatandaan, in denial si Richard at Barbie noon pa man tungkol sa kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Naging pulutan at usap-usapan rin sa social media na si Barbie ang itinuturong third party umano sa hiwalayang Richard at Sarah Lahbati.

Richard at Barbie spotted

Gastro Pub Alabang – namataang magkasama sa isang  gastropub o bar sa Westgate, Alabang sa Muntinlupa ang Kapamilya stars na sina Richard at Barbie.

Nangyari ang sightings sa dalawa noong sabado ng gabi, January 6. at ang ispluk ng mga nakakita? sobrang sweet at todo alalay umano si Richard kay Barbie.

Richard Gutierrez at Barbie Imperial, exclusively dating na
PHOTO : Barbie Imperial and Richard Gutierrez

Samantala sa ulat ng Pep, di umano’y isang source ang nagsabing ‘bantay-sarado’ ni Richard si Barbie.

Dagdag pa dito, sobrang gentleman din umano ni Richard kay Barbie dahil inalalayan pa raw nito ang aktres habang papunta ito sa comfort room.

South Korea – May 26, trending topic sa social media ang panibagong ‘sighting’ kina Richard at Barbie sa South Korea.

Kumalat ang mga litrato ng dalawa na namamasyal sa isang sikat na street food at shopping district sa South Korea na Myeong-dong.

Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Grace Yang sa Facebook ang nasabing mga litrato nina Richard at Barbie.

Caption niya sa kanyang post,  “Kayo na maglagay ng captions (laughing emoji)”

Sa isang litrato, nakunan sina Richard at Barbie na naglalakad habang nag-uusap sa gitna ng isang busy street sa Myeong-dong.

Sa isang hiwalay na litrato, makikita naman si Richard na kinukuhanan ng litrato si Barbie.

Richard Gutierrez at Barbie Imperial, spotted sa South Korea
PHOTO : Richard Gutierrez and Barbie Imperial

At isa pang litrato, makikitang game na nagpakuha ng litrato si Barbie kasama ang uploader.

GYM – nagbahagi ng litrato si Barbie sa social media habang nag wowork-out ito sa isang gym, pero naging usap-usapan ng mga netizens ang lalaki na nasa kaniyang background.

Richard Gutierrez at Barbie Imperial, exclusively dating na
PHOTO : Barbie Imperial and Richard Gutierrez

Ayon sa netizens ito ay walang iba kundi si Richard, sila ay magkasama ni Barbie sa litrato habang nagwo-work out sa gym.

Sarah Lahbati, ‘no comment’ sa pagkaka-link ni Richard kay Barbie

Minsan na ring natanong ng press si Sarah kung ano ang masasabi niya sa isyung may namamagitan sa pagitan nina Richard at Barbie.

Pero tanging “no comment” lang ang sagot ni Sarah.

Gayunpaman, kinumpirma ni Sarah pareho silang single ni Richard.

Ani Sarah, “Yeah. I mean, there’s nothing to hide. I think it’s pretty clear to the public that both of us are (single) or not at all.”

Barbie at Diego Loyzaga

Matatandaang matagal nang single si Barbie mula nang maghiwalay sila ni Diego Loyzaga na kinumpirma niya noong nakaraang taon.


0 comments:

Post a Comment