Saturday, May 25, 2024

Matapos mag attitude, paresan ni Diwata wala nang pumupunta

Matapos lumabas ang mga viral videos, ‘nilalangaw’ na raw ang paresan ng street food sensation na si Diwata, o Deo Balbuena sa tunay na buhay.

Matapos mag attitude, paresan ni Diwata wala nang pumupunta
PHOTO : Diwata

Ito ang sabi ng mga netizen na nakapansin na tila konti na lang ang kumakain sa paresan ni Diwata, na noong mga nakaraang linggo lang ay talagang pinipilahan.

Diwata Pares Overload sa ‘Rated Korina’

Unang napansin ng mga netizen na konti na lang ang kumakain sa paresan ni Diwata nang maitampok ito sa programa ng host at journalist na si Korina Sanchez na “Rated Korina.”

Sa isang viral photo kuha mula sa interview ni Korina kay Diwata, makikita sa kanilang likuran na halos bakante na ang mga lamesa o konti lang ang mga kumakain sa paresan ni Diwata.

Ayon sa mga netizen, mukhang ito na raw ang epekto ng hindi pagpansin ni Diwata sa mga small content creator. 

Tila nawalan na raw ng gana ang mga tao na pumunta sa paresan ni Diwata dahil hindi sila nito pinapansin.

Ani ng isang netizen, “Tingnan niyo guys konti nlang mga tao sa likod nila Korina and Diwata simula na hindi na pinapansin ni diwata ung ibang small content creator parang nawalan na ng gana pumunta kay diwata pares overload. Last time dumaan kami doon wala ng kapila pila guys. Sa mga gustong tikman ang diwata pares overload jan pwdi na kayo pumunta wala na pong pila doon.”

Kwento rin ng nasabing netizen, nang madaanan nila ang pwesto ni Diwata sa J.W Diokno Blvd., Pasay City, nakita raw nilang wala nang pila.

Tsika rin ng netizen, nanggaling daw mismo sa mga tauhan ni Diwata na matumal na ang kanilang paresan.

“Taohan din daw mismo ni diwata nagsabe matumal na lage pa meron tira halos hindi inuubos,” saad ng netizen.

Sa kabilang banda, hindi naman maiwasan ng netizen na manghinayang sa unti-unting paghina ng paresan ni Diwata.

Pinayuhan din ng netizen si Diwata na sana ay ibalik ang dati nitong sigla lalo na kapag humaharap sa mga customer, sikat man ito o hindi.

Aniya, “Sayang noh sana bumalik na ung sigla ni diwata noon na lahat pinapansin niya at nakasmile na humarap sa mga camera para bumalik ulit ung mga customer niya na sobrang dami.”

Diwata, kinarma na?

Samantala, umani ng komento ang Facebook post ng nasabing netizen.

Ayon pa ilang netizens, tila kinarma na raw si Diwata dahil lumaki na ang ulo nito mula nang sumikat.

Hindi na raw nakapagtataka na wala nang kumakain sa paresan ni Diwata dahil nawalan na ng gana ang mga tao na pumunta sa kanyang paresan dahil sa pangit niyang ugali.

Nabanggit ng netizens ang ginawa ni Diwata sa isang customer na nagpapabati sa kanya sa birthday nito.

Dinedma kasi ni Diwata ang nasabing customer at sinabihan ito ng, “lilipas din yan kuya”

Reaksyon ng Netizens:

“Resulta nayan.. Lilipas din yan kua.. Sa ngaun unti pa.. Nxt week nyan wala na talaga”

“Sa mga sunod na araw, ung sinabi nya sa binata lilipas din yan, mang yayari din un sa kanya lilipas din kung ano meron xa ngaun.”

“Ika nga nila ang taong Hindi marunong lumingon sa pinanggalinga ay Hindi makakarating sa paruruonan upgraded to the highest level na si diwata Kay nag iba na ugali peace”

“Kapag nasira ka sa tao, hindi na maibabalik pa yun lalo na’t may mga bagong nagsusulputan na bago na pwd gawan ng content. Ang maganda nyan, naging example ang diwata at alam na ngayon ng iba ang dapat nilang iwasan para hindi lumayo ang mga biyaya.”

“gaya Ng sinabi Niya sa batang Ng pa shout out sa birthday Niya Ang Sabi ni diwata lilipas lng daw kaya Siya lilipas din dapat wag isnabin Ang small content creator”

“N​​akalimutan na ata nya na ung mga tao ang nagpasikat at nagbigay sa knya kung ano man ang meron sya ngayon…nakakasad nman kung isa isang mawala ung mga taong sumuporta sa negosyo nya..”

“Hindi kase marunong mag alaga ng customer si diwata sumikat lng tumaas na lipad at sa sobrang taas pag bumagsak tiyak na dina makakatayo”

Paliwanag ni Diwata

Samantala, sa interview sa kanya ni Korina, ipinaliwanag ni Diwata na kaya hindi niya napapabigyan ang mga nagpapa-picture sa kanya dahil abala umano siya sa kanyang negosyo.

Aniya, “Tapos syempre di ba yung ibang mga di lang nagpapicture kung anu-ano na ang hanash sa buhay na pinaglalaban. Ako naman talaga  minsan busy sa negosyo natin diba. Ang hiling ko lang naman minsan bigyan niyo ako ng time para makapagtrabaho din. Kasi hindi naman pwedeng nakaharap lang ako sa camera nang buong maghapon kasi hindi ko nama-manage yung tindahan ko. Napapabayaan ko na.”

Itinanggi rin ni Diwata ang akusasyon ng ibang netizens na ini-entertain lang niya ang mga sikat na content creator o artista dahil nagbibigay ang mga ito sa kanya ng regalo.

Giit pa ni Diwata, nakapagpa-schedule na raw ang mga ito kaya naman nae-entertain niya.

Aniya, “Ang sinasabi kasi nila dati talagang madalas hindi ko daw pinapansin, hindi totoo yan. Sina Madame kasi naka-schedule ito…”

Mensahe pa ni Diwata sa mga gustong magpa-picture sa kanya, “so ngayon kung gusto niyong ma-entertain ko kayo tulad kina Madame, magpa-schedule kayo ng araw.”

“Kasi diba pagdating ninyo dito biglaan na lang tayo tapos may ginagawa ako. pag sinabi kong, “mamaya na”, galit kayo. Ang sama ng ugali, nagbago na. Huwag naman ganun. Pero kung yan ang gusto niyo, hindi ko naman kayo mapipigil dun kasi kayo yan,” dagdag niya.


0 comments:

Post a Comment