Ayon sa netizens masaya umano si Diwata na wala nang pumupunta sa kaniyang Paresan para wala nang disturbo na magpa-picture?
Kamakailan lang ay inulan ng batikos mula sa netizens ang viral pares vendor na si Diwata.
Ito’y matapos ireklamo ng ilang customers na hindi sila pinapansin ni Diwata tuwing humihingi sila ng picture rito.
Ang pandededma rin di umano ni Diwata sa kanyang mga customers na hindi sikat o small content creator ang dahilan kung bakit nasabi nila na tila lumaki na ang ulo nito.
Pero kapansin-pansin sa latest guesting ni Diwata sa Rated Korina na tila kumonti ang mga kumakain sa kanyang paresan sa Pasay.
Ayon naman sa netizens, mukhang epekto na ito ng hindi pamamansin ni Diwata sa kanyang mga simpleng customer na gusto lang makapag-picture sa kanya.
Diwata, masaya na wala nang pumupunta sa kanya?
Pero ayon sa ilang netizen, di umano’y mas gusto rin ni Diwata na wala nang pumupunta sa kanya, lalo na para magpa-picture para makapagpokus siya sa kanyang trabaho o negosyo.
Komento pa ng isang netizen, “Gusto naman nya yan yung walang mang istorbo sa kanya”
Samantala, matatandaang sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez, hiniling ni Diwata sa kanyang customers na bigyan siy ng oras para makapagtrabaho.
Aniya, “Ako naman talaga minsan busy sa negosyo natin diba. Ang hiling ko lang naman minsan bigyan niyo ako ng time para makapagtrabaho din.”
Kasi hindi naman pwedeng nakaharap lang ako sa camera nang buong maghapon kasi hindi ko nama-manage yung tindahan ko. Napapabayaan ko na,” paliwanag ni Diwata sa mga bumabatikos sa kanya dahil hindi siya pumapayag na magpa-picture sa mga ito.
Diwata sa mga gustong kumausap at magpa-picture sa kanya: ‘Magpa-schedule kayo ng araw’
Sinabi rin ni Diwata na kailangan munang magpa-schedule ang mga gustong makausap siya.
Aniya, “Ang sinasabi kasi nila dati talagang madalas hindi ko daw pinapansin, hindi totoo yan. Sina Madame (Korina) kasi naka-schedule ito…So ngayon, kung gusto niyong ma-entertain ko kayo tulad kina Madame, magpa-schedule kayo ng araw.”
“Kasi diba pagdating ninyo dito biglaan na lang tayo tapos may ginagawa ako. ‘Pag sinabi kong, “mamaya na”, galit kayo. Ang sama ng ugali, nagbago na. Huwag naman ganun,” dagdag ni Diwata.
Sa huli, tanggap naman ni Diwata kung hindi niya mababago ang opinyon ng tao sa kanya.
Aniya, “Pero kung yan ang gusto niyo, hindi ko naman kayo mapipigil dun kasi kayo yan,” dagdag niya.”
0 comments:
Post a Comment