Monday, May 27, 2024

Andi, sinupalpal ang babae na kasama ni Philmar sa viral video

Sa wakas ay nagsalita na ang aktres na si Andi Eigenmann tungkol sa viral video ng kaniyang boyfriend na si Philmar Alipayo.

Andi, sinupalpal ang babae na kasama ni Philmar sa viral video
PHOTO : Andie Eigenmann, Philmar Alipayo and Crissa Liaging

Kung matatandaan, nilagyan ng malisya ng mga netizens ang video ng isang content creator na si Crissa Liaging na kung saan makikita silang nag-uusap ni Philmar sa isla ng Siargao.

Philmar Alipayo and Crissa Liaging viral video

Sa naturang viral video, makikita na sobrang lapit na nag-uusap si Crissa at si Philmar (naka topless) at itinaas pa nito ang kaniyang dalawang kamay.

Ani sa caption ni Crissa : “For how many weeks staying here in siargao finally i saw you!”

Andi, sinupalpal ang babae na kasama ni Philmar sa viral video
PHOTO : Crissa Liaging and Philmar Alipayo

Ngunit matapos mag viral ang video at umani ito ng milyon-milyong views sa social media ay agad itong binura ng content creator ngunit matapos ang ilang sandali ay inupload niya itong muli na may kaparehong caption.

Marami naman sa mga netizens ang nagulat at nadismaya sa kanilang nakita, hindi lingid sa karamihan na masayang nagsasama si Philmar at ang aktres na si Andi sa Isla ng Siargao kasama ang kanilang mga anak.

Ani ng isang netizen : “Bat ako yung nasasaktan para kay Andi, kahit sabihin pa naten na tropa or kung ano pa eh may asawa yung tao. Kunyare na lang ikaw yung nasa side ni Andi.”

Matapos pinag-usapan ng publiko ang viral video nina Crissa at Philmar, agad itong nakarating kay Andi at agad na sinupalpal ang content creator.

Ayon pa kay Andi na masyadong nakakahiya ang ginawa ng content creator para lamang pag-usapan at magpasikat sa social media.

Nabanggit rin ni Andi na naghahanap lamang umano ng atensyon ang content creator dahil edited clips na umano ang inupload nito sa kaniyang social media account.

Narito ang pahayag ni Andi : “He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that,

“What’s shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention,”

Andi and Philmar not in good terms?

Kung ating babalikan, sinagot noon ng aktres na si Andi Eigenmann ang mga chismis na may matindi umanong problema sila ni Philmar Alipayo.

Sa kanyang social media story, nag-post si Andi ng selfie kasama si Philmar na may caption na “Kami pa naman.”


0 comments:

Post a Comment