Friday, May 31, 2024

Maja Salvador, nanganak na

Masayang ibinalita ng aktres na si Maja Salvador na nanganak na siya sa kaniyang panganay na anak at pinangalanan nila itong baby Maria.

Sa pamamagitan ng isang social media post, ibinahagi ni Maja ang larawan ng paa ng kaniyang anak.

“Our Maria [heart emoji] May 31, 2024” saad sa caption.

Ibig sabihin, isinilang ng aktres si Baby Maria biyernes noong May 31 2024, si Maja ay ikinasal sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez Ortega.

Ano ang trabaho ng boyfriend ni Maja Salvador?

Si Rambo ay isang business man at founder ng Pop Up Digital, isang uri ng digital marketing agency na ang layon ay ma-enhance ang business presence ng isang negosyo at Founder din si Rambo ng negosyong Forthinker Inc.,

Maja at Rambo personal life

April 2022 ay na-engaged si Maja Salvador kay Rambo Nuñez Ortega, ikinasal sila noong July 31, 2023 sa Apurva Kempinski, Bali, Indonesia at noong December 31 2023, inanunsyo nila sa publiko na nagdadalang tao na si Maja sa kanilang panganay.

Sa pag-anunsyo nila sa kanilang first baby, pinangalan nila itong baby “Ramba” na kalaunan ay tinawag nila itong baby “Maria”.

Kung matatandaan May 1, nagsilabasan sa social media ang mga fake informations tungkol sa panganganak ni Maja, buti na lamang ay nagsalita agad ang aktres para ma-inform ang lahat lalo na ang kanyang mga fans.

Pahayag ni Maja : “Hi Guys! Hello Hello from Canada! Some of my friends and family are getting confused because someone shared fake news saying I already gave birth. Just to clarify, this is my latest ultrasound showing that My baby girls hasn’t arrived yet! Thank you”.

Pregnancy journey ni Maja Salvador

Bilang first-time mom, may mga adjustments umano si Maja na ginagawa para mas maging healthy and safe ang kanyang pagbubuntis.

Aniya : “Ako nu’ng first month and second month, hindi ko itatanggi na from sobrang workaholic ko or sa andami kong ginagawa every day in my life, cut to nakahiga lang ako.

“Nakahiga, hindi dahil hindi okay yung kapit. Strong si baby. Okay yung position niya, mataas daw, yung lining ko, yung kapit niya okay, so thank you Lord.

“Siguro sa sobrang strong niya, grabe yung nausea ko, grabe yung morning sickness ko na all-day sickness siya, ‘di siya talaga morning sickness, so hindi ako makatayo,” pahayag ni Maja sa isang panayam.

Congratulations! Maja and Rambo..


0 comments:

Post a Comment