Saturday, May 18, 2024

Wedding nina Nash Aguas at Mika dela Cruz, pinusuan ng netizens

END GAME – Pinusuan ng mga netizens ang wedding ng celebrity couple na sina Nash Aguas at Mika del Cruz, kahapon May 18, 2024.

Mula sa pagiging childhood sweethearts, endgame na nga para kina Nash Aguas at Mika dela Cruz, matapos silang ikinasal sa Adriano’s Events Place and Prayer Garden sa Tagaytay.

Sila ay parehong 25 years old, kung matatandaan, nagsimula ang relasyon ni Nash Aguas at Mika dela Cruz taong 2018.

Ibinahagi ni Mika sa kanyang social media account ang larawan na kuha mismo sa araw ng kaniyang kasal, dito makikitang umiiyak si Mika na naglalakad patungo sa altar ng simbahan.

Caption pa ni Mika :

“Walking towards my God-sent, my Love., and my forever,”.

Suot ni Mika ang isang gown mula sa fashion designer na si Julianne Syjuco, ang kanilang wedding planner naman na La Belle Fete ay nag post din sa social media ng mga larawan nila Nash at Mika mula sa naganap na kasalan.

Marami naman sa mga netizens ang nagulat sa biglaang pagpapakasal ni Nash at Mika, pero napuno ng congratulatory at best wishes comments ang mga social media posts tungkol sa kanilang kasal.

Nagbahagi na rin ng mga wedding videos at pictures nina Nash at Mika ang Nice Print Photography, ang opisyal na photographer at videographer sa naganap na wedding.

Kung ating babalikan, parehong produkto ng kiddie gag show na ‘Goin’ Bulilit’ sina Nash and Mika, dito rin nagsimula ang kanilang friendship hanggang sa naging magka-relasyon na silang dalawa.

Narito ang komento ng mga netizens :

“Childhood sweathearts no one can surpassed their love its true n sincere both of them i congratulate ur patience n perseverance to wait the moment of truth n happiness fot both of u so proud n wish u all the best”

“looks like she’s pregnant! wow congrats to the both of u!”

“So what kung preggy siya, meron nga kumpol na ang anak d pa ikinakasal, how much more sa preggy ng ikasal. Well sa pinas social norms na ung pupunain ka na ay buntis kaya ikinasal, or shall i say norms na natin ung pumuna sa kapwa natin, while do not know, mas may mapupuna pla sayo.”


0 comments:

Post a Comment