Maraming netizens ang nagtataka kung bakit marami ang tira-tirang pagkain sa sikat na pares overload ni Diwata sa Pasay City.
Kung matatandaan, aminado si Diwata noon pa man na walang espesyal sa kaniyang pares overload na sobrang viral ngayon saang sulok man ng social media.
Pinagdiinan din ng negosyante na ang lasa ng kaniyang pares overload ay gaya na lamang sa ibang pares na makikita sa gilid ng kalsada.
Para maiba, ang pares ni Diwata ay may unli rice, free softdrinks, unli sabaw, may chicharong bulaklak at lechon kawali sa halagang P100.
Ngunit maraming netizens ang nanghinayang dahil sa unli rice na ito ni Diwata, ang ginagawa kasi ng mga kumakain sa sikat na food stall na ito ay unli-iwan at unli tapon ng kanilang mga tirang pagkain.
Nasasayang lang umano ang mga ito dahil bawas rin ito sa puhunan ni Diwata lalo na’t mahal ang bigas sa panahon ngayon, panawagan rin ng mga netizens na kung maaari ay ipakain ito sa mga stray dogs at sa mga stray cats.
Marami tuloy ang napakomento na baka raw ay hindi talaga masarap ang pares na ito ni Diwata at talagang dinadayo lang ito dahil sa hype ng social media.
“hindi yan masarap kaya ganiyan, kung masarap yan kahit isang butil ng kanin walang leftovers diyan..may kakain tapos hindi na babalik dahil hindi gusto ang lasa ng pagkain, may uulit yung gusto lang makita si Diwata” ani ng isang netizen.
Samantala, sa latest episode ng “Showbiz Updates” vlog ng talent manager na si Ogie Diaz nakarating umano sa kaniya na hindi talaga inuubos ng mga customers ang pagkain sa paresan ni Diwata.
“Hindi porke P100 lamang yung tinitinda ni Diwata eh, aabusuhin nyo na. willing namang magbigay basta uubusin,” ani Ogie Diaz.
“Sa dami ng taong naghihirap ngayon tapos mag-iiwan kayo ng kalat, mag-iiwan kayo ng kanin na sumobra sa hingi..
“Kaya naman yung iba talagang nakikiusap na sa kanilang mga comment na sana ibigay na lang daw sa stray dogs yung mga sobrang ulam, sobrang kanin,” say ni Ogie Diaz.
0 comments:
Post a Comment