Ibinahagi ni Ogie Diaz na hindi pala may-ari o kasosyo si Daniel Padilla ng kabubukas lamang na immersive theme park sa Tanauan, Batangas na J Castles.
Matatandaang naging usap-usapan ang theme park dahil sa ulat na isa si Daniel sa mga may-ari o co-owners nito.
Ang konsepto ng theme park ay mala-Disneyland ngunit imbes na adventure rides, iba’t ibang lights at large figures at attractions ang makikita sa loob ng blue-themed J Castles.
Isa sa mga tagline nila ay “dream within dream”.
Noong Mayo 1 ay nangyari ang soft opening ng theme park.
Marami naman ang namangha rito lalo pa’t ito ang kauna-unahang napakalaking immersive park sa bansa.
Ngunit nabahiran nga ng kontrobersiya ang theme park dahil marami ang nagreklamo dahil sa mahal daw nitong entrance fee na P1,500 na hindi raw sulit.
Daniel Padilla and J Castles issue
Bukod dito, usap-usapan din ang theme park matapos ngang isiwalat ni Ogie sa kanyang YouTube channel na hindi raw totoong isa si Daniel sa may-ari ng theme park.
Ayon pa kay Ogie, isang kaibigan ang nag-message sa kanya para linawin na hindi may-ari ng J Castles si Daniel.
Ani Ogie, “Merong isang kaibigan na nag-message sa amin at ang sabi niya ay hindi totoong si Daniel ang isa sa mga may-ari… Sabi niya, ‘Naku, mare, hindi kay Daniel Padilla ang J Castle. ‘Yung Vineyard ang may-ari ng J Castle.”
Ibinahagi rin ng sender na nagalit ang may-ari kay Daniel matapos lumabas sa balita na isa siya sa mga may-ari ng J Castles.
Sa katunayan, nag-sorry pa raw si Daniel sa may-ari ng J Castles dahil dito.
Ani Ogie, “Nung soft opening na yan, ito yung Mayo 1, humingi ng sorry si Daniel sa friend ko kasi yun nga nagalit sila na bakit daw ganun ang lumabas sa press na part owner siya.”
Nabanggit naman ni Ogie na baka industrial partner ng J Castles si Daniel kung saan hindi na nito kailangan maglabas pa ng pera para magkaroon ng share sa theme park dahil sapat na ang talent at kasikatan nito.
Pero sinabi raw ng sender na hindi rin daw.
Ani Ogie, “Sabi niya, no pa din. Sabi ko, yun ang press release. Ano ba usapan nila? Sabi ng source ko, wala, kaya nag sorry si DJ dun sa friend ko. Sabi rin ni DJ hindi niya alam bakit ganun ang lumabas sa press.”
Samantala, taliwas naman ito sa naging pahayag ni Daniel sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News kung saan ibinahagi niyang bahagi siya ng creatives at conceptualization o pagbuo ng ideya at konsepto ng theme park.
Ani Daniel, “Doon tayo sa creatives and conceptualization. Siyempre hands-on dahil gusto nating ma-experience ng mga tao… hindi naman tayo pwedeng gumawa ng theme park na basta-basta.”
Sa kasalukuyan ay wala pa namang pahayag si Daniel hinggil sa isyung hindi siya totoong kasosyo sa nasabing theme park.
0 comments:
Post a Comment