Saturday, May 18, 2024

Diwata, sinupalpal si Mystica matapos siyang tawaging dugyot

Hindi pinalagpas ng street food sensation na si Diwata ang mga maaanghang na patutsada laban sa kanya ng singer-performer na si Mystica.

Lalo pang tumindi ang bangayan ng dalawa sa social media na nag-ugat dahil sa pambabatikos ni Mystica sa ugali, itsura, at paresan ni Diwata.

Matatandaang pinuna ni Mystica sa kanyang sunod-sunod na Facebook post si Diwata dahil daw sa inasal nito sa mga nagpapa-picture at nagpapa-shoutout sa kanya.

Ayon pa kay Mystica, lumaki na raw ang ulo ni Diwata.

Tila nakalimutan na raw kasi nito na hindi ang kanyang Pares Overload ang pinupuntahan ng tao kundi siya mismo para makisabay sa kanyang kasikatan.

Tinawag namang dugyot ni Mystica ang ugali ni Diwata na pareho lang daw ng kanyang paresan.

Bwelta ni Mystica laban kay Diwata, “May nagpapa-shout out sa kanya, ‘yung inasal niya, hindi ko nagustuhan. Na-turn off talaga ako. Medyo lumaki na talaga ‘yung ulo niya… Dugyot na ugali, dugyot na paresan! Binigyan ng malaking picture ng susi ng house & lot, ‘yun pala isang container lang… Kawawa ka, Diwata!”

Samantala, nakarating kay Diwata ang mga komento ni Mystica laban sa kanya.

Sa isang video kung saan natanong siya ng isang vlogger kung ano ang masasabi niya sa pagkape ni Mystica sa kanyang tindahan, hindi na nakapagpigil pa si Diwata at sinupalpal si Mystica.

Tinawag na “pisteca” ni Diwata si Mystica na katunog ng pangalan nito.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang salitang “piste” ay isang ekspresyon na ginagamit ng mga Cebuano tuwing nagmumura sila o galit at puno ng disgusto sa isang pangyayari o tao.

Ayon pa kay Diwata, wala siyang pakialam sa mga sinasabi ni Mystica laban sa kanya dahil laos na raw ito.

Tanong ng vlogger kay Diwata, “Diwata, anong masasabi mo na nagkape si Mystica dito sa paresan mo?”

Sagot naman ni Diwata, “Sino si PISTEca? nagkape siya dito? nagkape pala si PISTEca sa pwesto ko.. alam mo wala akong pakiaalam kay PISTEca dahil matagal ng laos yan”

Maliban dito, viral din ang komento ni Diwata sa isang video ni Mystica kung saan binweltahan niya ang mga nagsasabing naiinggit lang siya kay Diwata.

Sa kanyang komento, tinawag na “aso” ni Diwata si Mystica.

Caption sa Facebook video ni Mystica, “I HAVE WORKED AND CLIMBED MYSELF UP TO BE A HOTEL MANAGER, RESTAURANT MANAGER, NFL COMPANY OPERATIONS SUPERVISOR, EXECUTIVE CHEF, HOTEL SUPERVISOR, ETC, ETC. TAPOS KAIINGGITAN KO ANG STREET VENDOR AT ANG PARESAN LANG NI DIWATA? HELLO!!! ANG KIKITID TALAGA NG MENTALITY NG MGA DIWANGWANG FANATICS! NAGKAROON LANG NG PARESAN ANG DATING NAMAMASURA AT NANGANGALAKAL, HINAHALIKAN NA ANG PUWET AT DINUDUMOG NA ANG DUGYOT AT NILALANGAW NIYANG MGA PARES! SARIMULYO!!! – MYSTICA”

Komento naman ni Diwata, “Oi May Aso aw aw aw [smiling emojis]”

Sa ngayon ay wala pa namang reaksyon si Mystica sa mga patutsada ni Diwata laban sa kanya.


0 comments:

Post a Comment