This is default featured slide 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

Wednesday, June 26, 2024

Easy Pork Humba recipe (Bisaya) cooking steps and ingredients

One of the most popular and beloved pork dishes among Filipinos is Pork Humba, Pork Humba has similarities to Filipino Adobo and the Chinese braised pork belly.

It is believed to have been introduced by Chinese immigrants to the Philippines.

Although it is known as a popular Visayan dish, it has many varieties like the Ilonggos, who have their own approach to cooking Pork Humba.

The two dishes resembles in terms of appearance, Humba is sweet, sour, and salty all at once in taste while Adobo is sour and salty. Humba uses all the basic ingredients of Adobo with the addition of brown sugar, salted black beans (tausi), and banana blossoms.

In this recipe, we will explore the Ilonggo version of Pork Humba.

Easy Pork Humba recipe (Bisaya) cooking steps and ingredients
PHOTO : Pork Humba bisaya

Pork Humba Ingredients

  1. 1 kilo pork, cut into cubes
  2. 5 Cloves Garlic, minced
  3. 1 Onion, chopped
  4. 1 Pork Cube
  5. 2 Carrots, thinly sliced
  6. 1 sachet Black Beans
  7. 1 (15 oz) Can Pineapple Juice
  8. 1 Bell Pepper, sliced
  9. 2 tbsp Vinegar
  10. 3 tbsp Soy Sauce

Pork Humba cooking steps

  • Heat a pan, once hot, add the pork, and then add one bowl of water. Wait until it boils and let the liquid dry until the natural oil from the pork is released.
  • Next, add the aromatics such as onion and garlic, peppercorn, and bay leaves. Mix them well to infuse the flavors into the pork.
  • Add vinegar and soy sauce, adjust the amount to taste.
  • Next, add the carrots and most importantly, the black beans.
  • Add pineapple juice and mix well.
  • Check if the meat is tender by piercing it with a fork or toothpick.
  • Once tender and cooked, add the sliced bell pepper.
  • Finally, add sugar to balance the flavor and mix for a few minutes.
  • Once satisfied with the taste, your Pork Humba is ready to be served.

Enjoy this delicious Pork Humba Bisaya recipe!


Rosmar, inamin na hindi sila nagbayad sa kinainan nila sa Palawan

Naglabas ng kaniyang paliwanag ang content creator at CEO na si Rosmar Tan tungkol sa mga kinainan nila sa Palawan na hindi umano bayad.

Nagsimula ang isyu tungkol sa mga unpaid bills nina Rosmar, Rendon Labador at buong grupo ng Team Malakas dahil sa isang social media post ng isang netizen noong June 15.

Ayon sa naturang netizen, malapit na kaibigan umano siya ng isa sa may-ari ng restaurant sa Coron, Palawan na kinainan ng Team Malakas.

Rosmar at Rendon, posibleng patawan ng persona non grata sa Palawan
PHOTO : Team Malakas at Coron, Palawan

Rosmar Tan at Team Malakas hindi nag-bayad sa mga kinainan sa Palawan

Marami umanong orders ang grupo nina Rosmar pero hindi umano nagbayad ang mga ito, noong oras umano na inabot na sa grupo ang bill ng kanilang kinain tsaka na lamang nila nalaman na nagpapa-sponsor pala ang mga ito.

Rosmar Tan, nagsalita na

Nilinaw at nagsalita na si Rosmar tungkol sa post ng naturang netizen dahil pinag-pyestahan na rin ito sa social media.

Ani sa influencer, X-deal umano ang nangyari at pinag-aagawan pa nga raw sila ng maraming restaurants sa Coron, Palawan para ilibre sila ng mga pagkain kapalit ang pagpost ng mga larawan sa social media.

“YES! Libre totoo naman pero ang kapalit daw nun ay pipicturan kami at ipopost sa mga pages nila hanggat kailan nila gusto. Pero dahil natuwa kami nagpost din kami sa socmed namin at prinomote mga restaurant na kinainan namin,”

“Sa totoo lang 1st time ko na experience ang XDEAL sa foods kasi lagi kapag lumalabas kami ng family ko lagi kami nagbabayad. Kaya natuwa ako nung as Team MALAKAS e nag uunahan talaga sila para ilibre kami ng foods pinapatikim nila samin mga best selleeeer foods nila,” dagdag pa ni Rosmar.

Ayon pa kay Rosmar, lahat umano ng mga restaurants na kinainan nila sa Palawan ay masaya naman sa X-deal na ginawa nila, nirepost pa nga raw ng naturang resto ang post niya na patunay na masaya ito sa pagkain nila roon.

Aniya : “Bilang patunay na HAPPY ang RESTAURANT na iniissue kami, shinare pa nila post ko na nagpunta kami dun tapos ‘inisponsored’ pa nila para maraming makakita na pumunta kami dun papromote sila ng mga products nila tapos ipopost ko ng wala akong sinisingil sakanila kahit singko.”


Saturday, June 22, 2024

Kalbo look ni Ryza Cenon, ginulat ang mga netizens

Maraming netizens ang nagulat sa bagong look ng aktres na si Ryza Cenon, dahil nagpa-kalbo ito para sa bago niyang proyekto.

Maraming netizens ang napa-komento sa mga bagong larawan ni Ryza kung ano nga ba ang bagong proyekto ng aktres dahil napa-payag umano ito na magpa-kalbo.

Kalbo look ni Ryza Cenon, ginulat ang mga netizens
PHOTO : Ryza Cenon kalbo look

Ryza Cenon new project

Ang dahilan kung bakit nagpa-kalbo si Ryza ay dahil sa bago nitong proyekto sa ilalim ng Viva Entertainment na may pamagat na “Lihim”.

Ayon pa sa aktres na ito ang isa sa mga ‘big decision” niya na gagawin sa tanang buhay niya, ibinahagi rin ni Ryza sa pamamagitan ng isang vlog ang proseso ng kaniyang pagpapa-kalbo.

“Gagawin na natin ‘yung big decision ko ngayon na magpashave ng hair. Not just shave, but skinhead talaga. Para sa character naman ito. Ganun talaga ako kacommitted na character, so game,” panimula ni Ryza.

Binigyang diin rin ni Ryza na ang pagpapa-kalbo ay isa sa kaniyang pangarap at masayang-masaya siya ngayon dahil sa wakas ay natupad na ito.

“Pangarap kong magpakalbo. Sinabi ko, ‘pag buntis ako, magpapakalbo ako, but nung buntis ako, hindi ako pinayagan. Ito na ‘yung chance ko,” dagdag pa ng aktres.

Ryza Cenon, super ganda parin kahit kalbo

Maraming netizens ang gusto na rin gumaya sa aktres na si Ryza dahil kahit umano kalbo ito ay angat parin ang kaniyang natural na ganda.

Ani ng isang netizen : “Maybe It’s time na din para magpa-kalbo, grabe kahit magpakalbo si Ryza umaangat parin sa kaniya ang kaniyang kagandahan.”

Reaksyon ng mga katrabaho ni Ryza

Dahil sa pagpapa-kalbo ni Ryza, super hanga umano ang mga katrabaho niya sa industriya dahil masyadong commited umano ang aktres para sa gagampanan niyang karakter bilang si Helena.

“Hindi naman po siya nirequire. Ako po mismo nagsabi na magpapakalbo ako. For me, kasi mas okay siya doon sa character ko. Tapos nagtest look kami, hindi ko po trip ‘yung prosthetics. Mas makakatulong rin po siya sa character ko,” dagdag pa ni Ryza.


Friday, June 21, 2024

Standee ng ama ni Ser Geybin, ginawang katatawanan ng netizen

Viral ang komento ng netizen na nagngangalang Rhaffy John Licop sa family picture ng Capinpin family na kuha noong graduation ni Ser Geybin.

Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa maraming netizens ang komento ng isang netizen tungkol sa yumaong ama ng sikat na vloggers na sina Ser Geybin, Allen, at Kelzy Capinpin o mas kilala bilang Capinpin brothers.

Sinabi kasi ng netizen na kung payag ba raw ang isang tao na mayaman sila pero ang papa nila ay “karton”.

Aniya, “Payag ka mayaman kayo pero papa mo karton”

Standee ng ama ni Ser Geybin, ginawang katatawanan ng netizen
PHOTO : Raffy Licop’s comment on Ser Geybin’s family picture

Ang tinutukoy na karton ng netizen ay ang standee ng yumaong ama ng Capinpin brothers.

Ama ng Capinpin brothers, pumanaw

Lingid sa kaalaman ng marami, hindi na naabutan pa ng ama ni Capinpin brothers ang graduation ni Ser Geybin noong nakaraang taon.

Matatandaang pumanaw noong 2022 ang kanilang ama na si Pedro dahil sa karamdaman.

Kaya naman tanging standee o human-sized picture lamang ng kanilang ama ang kasama ng Capinpin family sa nasabing picture.

Matatandaang sa isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi ng Capinpin brothers na isa ang kanilang yumaong ama sa mga humikayat sa kanila na ipagpatuloy ang pagba-vlog.

Isa rin umano sa hiling ng kanilang ama ay ang i-vlog ang pagpanaw nito.

Ani Ser Geybin, “Pero ‘yun po ‘yung hiling niya. Binibiro niya ako na, ‘Kapag namatay ako, i-vlog mo ko.’ Para hindi siya makalimutan. ‘Yung binayaran namin sa funeral halos nasa 140,000 to 150,000. Nagulat kami nu’ng kinita ng video na ‘yun nasa 150,000.”

Ikwenento rin ni Gavin na inilagay nila sa bawat sulok ng kanilang bagong bahay ang standee ng kanilang ama para lagi nila itong makita at maalala.

Reaksyon ng mga Fans nina Ser Geybin

Samantala, pumalag ang maraming fans ng Capinpin brothers sa “insensitive” comment o joke ng nasabing netizen.

Ayon pa sa ilang fans nina Ser Geybin, mukhang hindi pa naranasan ng nasabing netizen ang pakiramdam na hindi na kasama ang mahal niya sa buhay sa isang mahalagang pangyayari sa kanyang buhay, o ang mawalan ng mahal sa buhay.

Komento ng fans ng Capinpin brothers:

“Luuuh?! Sana okay lang kayo. Gawin bang katatawanan to? Ang insensitive ha? Apektado ako kasi wala na rin akong Papa. At kung ako rin kay Ser Geybin, agawan ko rin ng standee si papa para kasama pa rin siya sa picture. Nagawa niyong katatawanan yung pagmamahal ng anak sa magulang niyang wala na.”

“Hindi sya dapat e content po kasi masakit kung mamatayan ng mahal sa buhay ,. Ma feel mo po yan kung mamatayan ka nang magulang”

“Sino b may gusto mawala ng mahal sa buhay kahit kariton pa yan ok lng at least hindi nawawala memories ng magulang”

“Alam mo ba kung ano ang kwento sa likod ng kartong tatay na yan.  Nag sikap sila para matupad yung pangarap ng tatay nila para sa pamilya nila.  Kaya kung inggit ka mag pakarton kana din para yumaman ka”

“ipinapakita lang nman nila na kahit wala na ang papa nila eh. hnd parin nila to na kakalimutan kahit karton lang sa pamamagitan non kasama parin nila ang papa nila dahil ganon nila to kamahal..kaya respeto lng”


Rendon at Rosmar, pwedi parin pumunta sa Palawan Pawnshop

Hindi natuwa si Rendon Labador sa isang meme na ginawa ng netizen kaugnay ng pagdeklara sa kanila ni Rosmar Tan bilang “persona non grata” sa buong Palawan.

Nitong Huwebes, June 20, nag-react si Rendon sa post ng isang netizen kung saan makikitang in-edit ang picture nila ni Rosmar noong sumugod sila sa munisipyo ng Coron, Palawan.

Sa nasabing post, pabirong nilagay ng netizen ang nasabing picture nila ni Rosmar sa isang picture naman ng isang branch ng Palawan Pawnshop kung saan makikita rin ang isang guard.

Kaya naman lumalabas na nagrereklamo sina Rendon at Rosmar sa guard dahil hindi na rin sila pwedeng makipag-transact sa Palawan Pawnshop.

Caption ng netizen sa meme, “persona non grata” na ang ibig sabihin ay hindi welcome sa isang lugar ang isang tao.

Rendon, malungkot dahil hindi na sila welcome sa Palawan

Samantala, pumalag si Rendon sa nasabing meme kung saan sinabi niyang hindi raw ito nakakatawang biro.

Ayon pa kay Rendon kung saan tinag pa niya si Rosmar, mukhang ang Palawan Pawnshop na lang daw ang Palawan na pwede nilang puntahan.

Ani Rendon, “Hindi nakakatawang biro Rosemarie Tan Pamulaklakin Eto nalang yata yung Palawan na pwede nating puntahan.”

Rendon at Rosmar, pwedi parin pumunta sa Palawan Pawnshop
PHOTO : Rendon Labador and Rosmar Tan

Matatandaang idineklarang persona non grata sa buong palawan sina Rendon at Rosmar, kabilang na ang mga kasamahan nila sa Team Malakas matapos nilang sigawan, duruin, at bastusin ng isang staff ng munisipyo ng Coron na nag-post ng laban sa kanila sa social media kasunod ng charity event nila sa probinsya.

Ayon sa mga opisyal ng Palawan, hindi katanggap-tanggap ang inasal ng grupo nina Rendon at Rosmar dahil hindi lang ang staff ang kanilang binastos kundi maging ang lokal na pamahalaan at mga PalaweƱo o mga mamamayan ng Palawan.

Kasunod nito, humingi na ng paumanhin ang grupo nina Rendon at Rosmar dahil sa kanilang ginawa sa empleyado ng munisipyo at maging sa inasal nila habang nasa loob ng opisina ng alkalde ng Coron, Palawan.

Aminado si Rosmar na nadala lamang siya ng bugso ng damdamin matapos mabasa ang post ng empleyado ng munisipyo laban sa kanila.

Aniya, “Nagpadala po ako sa bugso ng damdamin, at yon po ang pinakamaling nagawa ko at humihingi po ako ng tawad. Alam ko pong pagkakamali ko po yon. Sana po mapatawad niyo po kami.”

Habang si Rendon ay nilinaw na hindi sila pumunta sa munisipyo bilang mga celebrity at influencer kundi bilang isang Pilipino na nasaktan sa komento ng nasabing empleyado na isang public servant.

Ani Rendon, “Gusto ko pong linawin na pumunta kami sa munisipyo, hindi bilang celebrity, hindi bilang isang influencer. Pumunta po kami doon bilang isang Pilipino, simpleng tao na nasaktan sa nangyari dahil sa isang comment ng public servant…”

Nakiusap din si Rendon na bigyan siya ng huling pagkakataon na makadalaw sa Coron dahil napangakuan na raw niya ang kanyang pamilya na magbabakasyon sila sa probinsya.

Ani Rendon,”Ako na po ang bigyan niyo ng persona non grata. Hiling ko po na kung ito man po ay matutuloy, gusto ko pong hilingin sa inyo, Mayor, na sana bigyan niyo pa po ako ng huling pagkakataon na makadalaw sa Coron, dahil napangako ko po sa pamilya ko na ipapasyal ko sila sa Coron, para makita ko po silang maging masaya sila.”


Thursday, June 20, 2024

Rosmar Tan, kinuhang waiter si Jiro Manio sa kaniyang paresan

Marami ang naantig sa palitan ng mensahe ng social media personality na si Rosmar Tan at dating child star na si Jiro Manio.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Rosmar ang pag-reach out sa kanya ni Jiro, nagbabakasakali kung may trabaho ba siyang maibibigay para sa kanya.

Ikinuwento ni Jiro na nakatira siya ngayon sa Rizal at wala siyang trabaho.

Ayon pa kay Jiro, kailangan niya ng trabaho ngayon para may pantustos sa kanyang anak lalo pa’t magpapasukan na naman.

Rosmar Tan, kinuhang waiter si Jiro Manio sa kaniyang paresan
PHOTO : Jiro Manio before

Convo nina Rosmar at Jiro

Tanong ni Rosmar kay Jiro, “May work ka kuya?”

Sagot naman ni Jiro, “Wala po ako po yung dating child star na nagbenta ng trophy kay boss toyo…pero baka hindi niyo rin po ako kilala hehe”

Sinabi ni Rosmar na kilala niya si Jiro dahil napapanood niya ito noon.

Tugon naman ni Rosmar, “Kilala kita. Napapanuod kita dati e hahaha”

Sabi naman ni Jiro, “Ngayon po kayo na napapanood ko”

Jiro, nag-apply ng trabaho kay Rosmar

Kasunod nito, lakas-loob na tinanong ni Jiro si Rosmar kung may trabaho itong maibibigay sa kanya.

Ani Jiro, “Mam baka may trabaho ka para sa akin…para lang may igastos lang ako sa anak ko at magpapasukan na po kasi.”

Hindi naman nag-alinlangan si Rosmar at tinanong niya si Jiro kung gusto ba nitong maging service crew sa kanyang resort sa Calauan Laguna.

Ani Rosmar, “Gusto mo service crew sa Calauan Laguna”

Nagtanong naman si Jiro kung stay in ba siya sa resort ni Rosmar.

Aniya, “Stay in po ako? Pwede po ako”

Sagot naman ni Rosmar, “Oo stay in…Libre pagkain”

Walang pagdadalawang isip na tinanggap ni Jiro ang trabaho na ibinigay ni Rosmar.

Aniya, “Sige po mam pasok po ako…”

Rosmar, pinaalalahan si Jiro na magtino sa trabaho

Ngunit bago tanggapin si Jiro, nagbigay muna ng paalala si Rosmar na huwag itong gagawa ng kalokohan habang nagtatrabaho.

Mukhang aware si Rosmar sa pagkalulong noon sa iligal na dr0ga ni Jiro na siyang dahilan ng pagbagsak ng karera nito noon.

Ani Rosmar, “Tatanggapin kita pero wag ka gagawa ng kalokohan? Bibigyan kita ng chance…Basta magtino ka dun”

Nangako naman si Jiro na magtitino siya sa kanyang pagtatrabaho kay Rosmar.

Ayon pa kay Jiro, “Hindi naman po mam alam ko nasangkot ako sa mga pinagbabawal na gamot dati pero hindi naman po gumawa ng gulo o kahit ano krimen…hindi po ako nasangkot sa mga nakawan o kahit ano.”

Samantala, sa caption ng kanyang post, iginiit ni Rosmar na hindi siya magsasawang magbigay ng pangalawang pagkakataon sa ibang tao.

Aniya, “Di magsasawang magbigay ng SECOND CHANCE sa kapwa tao dahil lahat naman ng nagkakamali, natututo at nagbabago. Galingan mo Jiro Manio Deserve mo ng trabaho para sa pang aral ng anak mo. Soon makikita nyo sya dito sa R Mansion Tagaytay Resort as a waiter ng resto.”


Tuesday, June 18, 2024

Rosmar Tan at Rendon Labador, naglabas ng kanilang public apology

Naglabas ng kanilang public apology video ang mga influencer na sina Rosmar Tan at Rendon Labador sa social media dahil sa gulo na nangyari sa Coron, Palawan.

June 14, nag-viral sa social media ang mainit na komprontasyon sa pagitan ng grupo nina Rosmar, Rendon at ng LGU staff ng Coron, Palawan na si Jocelyn Trinidad.

Sumugod ang #TeamMalakas kabilang sina Rosmar at Rendon sa munisipyo ng Coron, Palawan para komprontahin si Jocelyn hinggil sa post nito laban sa kanila sa social media.

LGU staff ng Coron, Palawan tinira sina Rosmar at Rendon sa social media

Sa naturang post ng LGU staff na si Jocelyn, sinabi nito na ginamit lamang ang mga taga Coron, Palawan nina Rosmar at Rendon para pagkakitaan.

Sinabi ni Jocelyn sa isang post na ginamit rin lamang ni Rosmar at ng #TeamMalakas ang mga LGU staff ng Coron para tulungan sila pero wala raw ibinigay kahit singkong duling ang mga ito sa kanila.

Maliban dito, matapang rin na hinamon ni Jocelyn si Rendon ng suntukan.

Aniya, “Dear Rosemar at team Malakas, Ginamit nyo lang mga taga Coron para sa mga vlog vlog nyo at socmed……dismayado dahil naghintay sila ng isang oras at gutom…at lalong ginamit nyo mga staff para mag assist sa inyo tapos Wala kayong inabot kahit singkong duling! Kayo ba naman nagpa laro ng bring Me pustiso Hindi nyo nga hinawakan?”

“Hwag nyo sabihing Malaki pa naubos nyo kakapamigay kumpara sa kikitain nyo? Sana namigay nalang kayo sa daan natuwa pa mga tao kesa sa ginawa nyo pinaasa nyo na ginawa nyo pang mga bata! Mga matatanda sana nalang inuna nyo…… Hinahamon ko na nga suntukan si Rendon nag hubad pa nged talaga…Ekis kayo.”

Kung ating babalikan, nagbakasyon ang #TeamMalakas sa Coron, Palawan at naisipan nilang mamahagi ng tulong sa mga tao.

Rosmar at Rendon, posibleng patawan ng persona non grata sa Palawan
PHOTO : Team Malakas at Coron, Palawan

Ayon naman kay Rosmar, sakay na sila ng speed boat nang biglang makarating sa kanila ang post ni Jocelyn na bumabatikos sa kanila.

Rosmar at Rendon, pinatawan ng person non grata sa Coron, Palawan

Sa viral video na ibinahagi ni Rendon sa social media, mapapanood ang mainit na komprontasyon at sigawan sa pagitan ng #TeamMalakas at ng LGU staff na mismong sa loob pa ng munisipyo.

Ayon pa kay Rendon, pumunta sila sa Coron para ma-promote turismo ng lugar pero sila pa umano ang napasama.

Makikita rin sa mukha ni Rendon na galit na galit ito habang kinokompronta at tinataasan niya ng boses ang LGU staff na si Jocelyn.

Makikita rin sa video, na dinuduro-duro pa ni Rendon si Jocelyn dahil sa tindi ng kanyang galit.

Nag-viral din sa social media ang public apology ni Jocelyn para kay Rosmar at Rendon.

Rosmar at Rendon, nakipag-away sa staff ng munisipyo sa Palawan
PHOTO : Coron, Palawan staff, Rendon Labador and Rosmar Tan

Dahil dito nanawagan ang mga netizens na sana raw ay mapatawan ng persona non grata si Rosmar at si Rendon.

Ani ng netizen : “Coron doesn’t need these vloggers to promote their tourism. Coron is already famous all over the world. ituloy ang persona non grata kay rosmar at rendon!”

Dahil sa nangyaring gulo, pinatawan na bilang persona non grata ang mga influencers na sina Rosmar at Rendon sa bayan ng Coron, Palawan.

Posible rin umano na maghain ang LGU ng Coron ng isang resolusyon para patawan rin ang mga influencers ng persona non grata sa buong lalawigan ng Palawan.

Rosmar at Rendon, public apology

Matapos patawan bilang persona non grata, naglabas ng kanilang public apology ang mga influencers na sina Rosmar at Rendon.

Sa kanilang paghingi ng kapatawaran, inamin ni Rosmar, Rendon at ng #TeamMalakas na nagkamali sila.

“We will be better”

Pinagdiinan rin ng mga content creators na sila ay hamak na tao lamang at nagkakamali rin, aminado rin sila na nagpadala sila sa bugso ng kanilang mga damdamin.

Ani Rosmar : “Pasensya na po kay Ma’am Jho, sa munisipyo at lalong-lalo na po kay Mayor at sa bayan ng Coron, Palawan. Sorry po talaga na pinost ko na ‘Never again Coron.’ Hindi ko po sinasadya na i-generalize ko kayo,”

“Nagpadala po ako sa bugso ng damdamin at ‘yun po ‘yung pinakamaling nagawa ko. Alam ko pong pagkakamali po ‘yon. Sana mapatawad nyo po ako,” dagdag pa ni Rosmar.

“Kami po ay nagpapakababa sa inyong lahat na susubukan po namin na baguhin kung ano man po ‘yung pagkakamali namin, kung sumobra man po kami,” panimula ni Rendon.

“Tingin po namin, ito po ay magiging lesson sa amin as a team. “We will be better” at babawi po kami, at hindi po ito magiging hadlang sa advocacy namin na makatulong at makapagbigay ng inspirasyon sa lahat ng taong nangangailangan,” dagdag pa ni Rendon.