This is default featured slide 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

Wednesday, July 31, 2024

Kathryn Bernardo, nililigawan ni Lucena City Mayor Mark Alcala

Lumutang ang pangalan ng batang alkalde ng Lucena City na si Mayor Mark Alcala bilang bagong manliligaw di umano ngayon ni Kathryn Bernardo.

Gaano nga ba katotoo ang balitang ito?

Unang ibinalita ng popular na entertainment website na pep.ph na nanliligaw si Mayor Mark kay Kathryn noong Lunes, July 29. 

Ang artikulo ay isinulat ng batikang showbiz writer na si Jojo Gabinete kung saan sinabi niyang isang “unimpeachable source” o mapagkakatiwalaang source di umano ang nagkumpirma sa kanila na nililigawan ni Mayor Mark si Kathryn. 

Wala namang nabanggit na iba pang detalye tungkol sa panliligaw ni Mayor Mark kay Kathryn ang nasabing source.

Sino si Mayor Mark Alcala?

Hindi na bago sa mga showbiz issue ang 30-taong gulang na mayor dahil nagkaroon na rin siya ng girlfriend mula sa industriya na walang iba kundi ang Kapuso actress na si Ashley Ortega.

Kathryn Bernardo, nililigawan ni Lucena City Mayor Mark Alcala
PHOTO : Mark Alcala

Ngunit noong March 2023, kinumpirma ni Ashley na hiwalay na sila ni Mayor Mark. 

Ayon sa kanya, 2022 pa sila naghiwalay ng landas ni Mayor Mark. 

Sa isang panayam, inamin naman ni Ashley na labis siyang nasaktan sa hiwalayan nila ni Mayor Mark. 

At bagamat hindi na niya idinetalye pa ang dahilan ng kanilang hiwalayan, nilinaw naman ni Ashley na “mutual decision” umano ang paghihiwalay nila ni Mayor Mark.

Aniya, “Aaminin ko, when we broke up talagang I was at my lowest din kasi syempre na-in-love tayo ng sobra. But what happened before, it was a mutual agreement naman. So ngayon, I’m better.”

Mark Alcala at Mika Reyes

Ilang buwan matapos kumpirmahin ni Ashley ang hiwalayan nila, na-link naman si Mayor Mark sa professional volleyball player na si Mika Reyes. 

Ito’y matapos silang maispatan na magkasama ng ilang beses sa iba’t ibang okasyon at lugar.

Kabilang na rito ang panonood ni Mayor Mark sa mga laro ni Mika. 

Gayunpaman, hindi kailanman kinumpirma nina Mika at Mayor Mark ang espekulasyon na may namamagitan sa kanila.

Mga napabalitang nanliligaw kay Kathryn

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na mula nang maghiwalay sila ng kanyang boyfriend for 11 years na si Daniel Padilla, iba’t ibang lalaki na ang iniuugnay kay Kathryn. 

Kabilang na rito ang Kapuso actor na si Alden Richards, hunk actor na si Jericho Rosales, at dating aktor na si Dominic Roque. 

Kaya naman labis na ikinagulat ng marami nang mabalitaan nilang isang politiko naman ngayon ang nanliligaw kay Kathryn.

Sa ngayon, wala pang reaksyon o pahayag si Kathryn hinggil sa balitang nililigawan di umano siya ni Mayor Mark. 

Kasalukuyang nasa Canada si Kathryn para gawin ang pelikulang “Hello, Love, Again” na sequel ng 2019 blockbuster movie nila ni Alden na “Hello, Love, Goodbye”.


Liza, binunyag na siya dapat ang bida sa ‘Hello, Love, Goodbye’

Isiniwalat ni Liza Soberano na siya dapat ang bibida sa 2019 movie na “Hello, Love, Goodbye” sa halip na si Kathryn Bernardo.

Sa vlog ni Bea Alonzo kung saan kumasa siya sa “Lie Detector Test” challenge nito, ikwenento ni Liza Soberano na sa kanila ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil unang in-offer ang “Hello Love Goodbye”.

Gayunpaman, hindi raw ito natuloy dahil nagdesisyon na lamang daw bigla ang Star Cinema na ibigay ang pelikula sa iba dahil may ibang proyekto raw na nakahanda para sa kanila.

Liza, binunyag na siya dapat ang bida sa ‘Hello, Love, Goodbye’
PHOTO : Liza Soberano and Bea Alonzo

Hanggang nabalitaan na lamang ni Liza na in-offer kay Enrique ang “Hello Love Goodbye” pero hindi na siya ang katambal nito kundi si Kathryn.

Liza Soberano, natakot magsama si Kathryn at Enrique sa pelikula

Pag-amin nga ni Liza kay Bea Alonzo, natakot siya nang i-offer kay Kathryn at Enrique ang pelikula baka raw kasi katapusan na ng loveteam nila noon ng aktor.

Bukod sa nalulungkot siya para sa kanilang fans, natakot din umano siyang matapos ang loveteam nila ni Enrique.

Ani Liza, “At the time that when I was in a love team, hindi ko naisip na problema siya. Actually, ‘yung ‘Hello, Love, Goodbye’ ni Kathryn and Alden was actually offered to Quen and I first. And then I wanted to do that movie so bad. But then, ‘They were like, there’s another project lined up for the both of you.’”

“Tapos, when we’re doing Bagani, nabalitaan ko that…At first they offered it to Kathryn and Quen. And that scared the sh*t out of me.

“I was like, why would they do that? I asked them to save the project for me and Quen, parang please wait for us. Kasi they told us din nung pinitch sa amin na hindi pwede gawin agad kasi they have to develop it more.

“And so I was like, ‘Okay, we’ll wait for it. Please hold it for us.’ And then nalaman ko na lang bigla that were offering it to Quen still but with Kathryn. And I was scared that after Bagani and then when I do Darna, wala na yung LizQuen.

“And for me, I didn’t want to do that to the fans but also Quen was my comfort zone,” dagdag niya.

Samantala, kung babalikan ang nangyari, ibinahagi ni Liza na iyon ang pagkakataon na na-realize niyang marami siyang hindi nagawa sa kanyang career dahil nakahon siya sa isang loveteam.

Ani Liza, “It was until later that I realized, ‘Oh my god. And dami kong hindi nagawa sa career ko.’ And that’s why everybody I think takes for granted my talent or acting capabilities because they only see me in a loveteam.”


Mark Anthony Fernandez, nawalan ng trabaho dahil sa viral video

Malaki ang naging epekto sa karera ng aktor na si Mark Anthony Fernandez ang pagkalat ng kaniyang sensitibong mga videos sa social media.

Kamakailan ay tila piyesta sa social media ang pagpapa-kalat ng mga netizens sa sensitibong video ng aktor na si Mark Anthony.

Makikita sa naturang viral video ang isang lalaki na kawangis ni Mark sabay pakita ng kaniyang etits sa camera.

Masyadong maikli ang naturang video at medyo maypagka-malabo rin ang kuha, kalaunan ay may isang babae na lumapit kay Mark, sabay dinakma at kinain nito ang dakila ng aktor.

Pagiging "DAKS" ni Mark Anthony Fernandez, kumpirmado
PHOTO : Mark Anthony Fernandez

Ogie Diaz, hindi in-enjoy ang video ni Mark Anthony Fernandez

Aminado ang talent manager na si Ogie Diaz na hindi niya in-enjoy ang viral video ng aktor na si Mark.

“Sa totoo lang, dapat mag-iingat si Mark. Ayan, lumabas na. Hindi natin alam sino bang naglabas no’n. Silang dalawa lang no’ng girl ang nandoo’n. Kaninang camera ‘yong gamit?” panimula ni Ogie Diaz.

“At talagang inedit pa ‘yong ibang portion. Talagang iba-iba ‘yong positioning…ng pag-a-acrobat. Nakakaloka ng taon, e,

“Ako inimbestigahan ko lang naman ‘yon. Hindi ko siya in-enjoy. Parang lumabas lang na habang pinapanood ko siya, parang alam mo ‘yon, imbestigador lang ako.” dagdag pa niya.

Mark Anthony, nawalan ng trabaho

Sa latest episode ng “Showbiz Update” nina Ogie Diaz, malaki umano ang naging epekto kay Mark Anthony matapos lumabas ang kanyang sex video sa publiko.

Matapos umanong pina-init ni Mark ang mga netizens dahil sa kaniyang viral video ay agad umano siyang tinanggal sa isang proyekto.

Ani Ogie Diaz : “Mukhang malaki ang naging epekto nito sa kanya, ‘yung eskandalo na lumabas. Ito na nga, bigla na lang siyang tinanggal [sa isang proyekto].

“According to my source, tinanggal si Mark Anthony Fernandez doon sa Rain in EspaƱa starring Mark Gallo and Heaven Peralejo under Viva,

“Nakakaloka. Ang sinabi lang na rason ay dahil raw sa lumabas… Nakaapekto [ang video sa career niya].

“Siyempre hindi rin natin masisisi si Mark kung talagang compilation niya lang ‘yun kaya lang lumabas.” dagdag ni Ogie Diaz.


Tuesday, July 30, 2024

Heart natatakot mawala si Chiz Escudero, gustong mauna

Aminado ang kapuso aktres na si Heart Evangelista na hindi niya kakayanin kung sakaling mawala ang kaniyang asawa na si Senate Pres. Chiz Escudero.

April 5, 2024 – naging usap-usapan sa social media ang balitang na-stroke umano at isinugod si Chiz sa St. Luke Hospital, dahilan upang hindi nito magalaw ang kalahati ng kaniyang kawatan.

Ngunit agad itong pinabulaan ng kaniyang may-bahay na si Heart at nilinaw na hindi totoong na stroke si Chiz gaya na lamang sa mga lumalabas na mga balita.

July 29, 2024 – Bumisita sina Heart at Chiz sa “Fast Talk With Boy Abunda” at dito na nila napag-usapan ang health condition ni Senate President.

Heart natatakot mawala si Chiz Escudero, gustong mauna
PHOTO : Heart Evangelista / Fast Talk With Boy Abunda

Pagbabahagi ni Heart : “He’s very good. He’s super good now. He had an episode.

“It was an episode and it was a scary episode, but it was a wake-up call for all of us to just really make sure that health is wealth.

“And now he’s doing very, very good, everything perfect, and I make sure perfect,” dagdag pa ni Heart.

Heart Evangelista, hindi kakayaning mabuhay kung mawawala si Chiz Escudero

Emosyonal na ibinahagi ni Heart na hindi niya kakayaning mag-isa kung sakaling may masamang mangyari kay Chiz o di kaya’y iwan siya.

Ani Heart : “If he goes, I go. You jump, I jump. I swear, ako na lang ang mauna! Hindi ko talaga kaya. Iiyak na naman ako. Hindi ko talaga kaya. Hindi talaga. Huwag naman,

“And without Chiz, I don’t know how will I survive because he’s my everything. Of course, God’s my everything, but mauna na lang talaga ako,”

Samantala, noong mismong Mother’s Day, ay malungkot na ibinalita ng Kapuso actress na si Heart na nakunan uli siya sa ikaapat na pagkakataon.

Ibinahagi ni Heart sa publiko na muling nawala ang dapat sana’y ikaapat na baby na nila ng asawang si Chiz.


Monday, July 29, 2024

Lolo, humingi ng tubig dahil gutom, pinakain ng crew sa Jollibee

Isang Lolo ang humihingi lang sana ng tubig ang binigyan ng fried chicken meal ng isang mabait na supervisor.

Isang di inaasahang kabutihan ang naganap sa isang sikat na fast-food restaurant na umantig sa puso ng maraming netizens.

Ipinost ng isang Facebook user na nagngangalang Drew Buena ang kwento ng kabutihan na nasaksihan umano niya sa Jollibee Riverbanks, North Triangle, sa Marikina City. 

Lolo, pinakain sa Jollibee

Sa kanyang post, ikinuwento ni Drew na nangyari ito noong June 20, alas-9:50 ng gabi, kung saan pumasok ang isang Lolo sa Jollibee at humihingi ng tubig.

Binigyan naman daw ng crew ang matandang lalaki kahit marumi ang damit nito at mukhang pulubi.

Sa katunayan, naka-dalawang baso pa nga raw ito.

Lolo, humingi ng tubig dahil gutom, pinakain ng crew sa Jollibee
PHOTO : Lolo, humingi ng tubig dahil gutom, pinakain ng crew sa Jollibee

Pero hindi umano niya inaasahan na lalapitan ng supervisor ng Jollibee na may pangalang “Khel” ang matandang lalaki.

At halip na bigyan lang ng tubig, binigyan ni Khel si Tatay ng isang meal na may kasamang dalawang servings ng kanin at dalawang piraso ng fried chicken. 

Sa mga litrato na ibinahagi ni Drew, makikitang tila gutom na gutom si Tatay habang maganang kinakain ang ibinigay na pagkain ni Khel.

Reaksyon ng netizens

Agad na nag-viral ang post ni Drew at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. 

Marami ang naantig sa simpleng kabutihan na ipinakita ni Khel at nagbigay ng papuri at pasasalamat sa kanya. 

Marami rin ang nagpahayag ng kanilang pag-asa na sana’y mas marami pang tao ang maging katulad ni Khel na handang tumulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit.

Nawawala pala ang si Lolo

Dahil sa viral post, napag-alaman ng mga netizens na ang Lolo na tinulungan ni Khel sa Jollibee ay si Tatay Pamfilo Amper, 70 anyos.

Ayon sa kanyang pamilya, dating driver si Tatay Pamfilo ngunit tumigil ito matapos magkaroon ng Alzheimer’s disease. 

Ito rin umano ang dahilan kung bakit lagi na lamang nawawala si Tatay Pamfilo.

Mahigit isang linggo na raw siyang nawawala at hinahanap ng kanyang pamilya. 

Ang post ni Drew ang naging susi para matagpuan ng kanyang pamilya si Tatay Pamfilo at sila ay muling nagkasama.

Sa ganitong mga kwento, makikita natin ang tunay na halaga ng kabutihan at malasakit sa kapwa. 

Ang simpleng pag-aabot ng tulong ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng iba. 

Sana’y magpatuloy ang ganitong mga kwento ng kabutihan at inspirasyon sa ating araw-araw na pamumuhay.

Buong Facebook Post ni Drew Buena:

“June 20, Thursday, 9:50 PM, sa Jollibee – Riverbanks, North Triangle, Marikina City, naganap ang isang di inaasahang tagpo na umantig sa aking puso. Sa gitna ng gabi, pumasok si Tatay, humihingi ng tubig. Naka-dalawang baso pa nga siya, kitang-kita ang uhaw na uhaw na itsura. 

“Tinanong siya ng supervisor kung kumain na ba siya. Malinaw na gutom na gutom si Tatay. Tinitingnan ko siya habang kumakain, dalawang rice at dalawang chicken ang naubos niya—isang spicy at isang regular. 

“Tahimik akong kumuha ng ilang litrato, siniguradong walang makakahalata. Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Tatay, tila naging masaya ang kanyang gabi. Sa Jollibee, talaga namang bida ang saya. Sa nametag ng supervisor, nakita kong ‘Khel’ ang nakasulat. Malabo ang aking mga mata kaya halos sumampa na ako sa counter para lang mabasa. Hindi ko na tinanong pa ang crew, baka isipin nilang may reklamo ako. 

“Napagtanto ko na ang kabutihan, kahit simpleng pagtanong o pagbibigay, ay walang kapalit na halaga. Ang tunay na kabutihan ay ginagawa ng pusong wagas at nagmumula sa kalooban. Ang ganitong mga simpleng bagay ang nagpapakita na ang kabutihan ay tunay na isang mahalagang katangian ng isang tao.”


Manginginom nanalo ng Yamaha NMAX 2024, dahil sa isang Gin

Marami ang napa-“sana all” sa isang lalaking manginginom matapos itong manalo ng isang brand-new Yamaha NMAX 2024 dahil sa ‘tansan’ promo ng San Miguel Beer.

Hindi maikakaila na kabilang ang mga Pinoy sa mga mahilig uminom, hindi lang ng tubig, kundi pati na rin ng mga nakakalasing na inumin o alak.

Ang pagiging masayahin at ang pagkakaroon ng mabuting samahan sa mga kaibigan at pamilya ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit ang pag-inom ng beer at iba pang alak ay bahagi na ng kulturang Pilipino.

San Miguel Brewery Inc. (SMB) Tansankatutak Panalo Under-the-crown Promo!

Sa kabilang banda, ang San Miguel Brewery Inc. (SMB) ay nangungunang kumpanya ng mga alak sa bansa.

Bilang pasasalamat sa kanilang loyal customers, isang promo ang inilunsad ng San Miguel Beer ang kanilang Tansankatutak Panalo Under-the-crown Promo!

Layunin din ng promo na makapagbigay ng pagkakataon sa kanilang mga loyal na kostumer na manalo ng mga kamangha-manghang premyo. 

Sa kabuuan, mayroong ₱100 milyon na halaga ng mga premyo na pwedeng mapanalunan. 

Kabilang dito ang mga Toyota Zenix Hybrid Electric Vehicles, Yamaha NMAX scooters, at Samsung A15 5G smartphones. 

Bukod pa rito, marami pang giveaways tulad ng SMB jackets, shirts, at iba pang produkto ng SMB.

Para makasali, kailangan lamang bumili ng bote ng alinman sa mga kalahok na brand ng SMB (San Miguel Pale Pilsen, Red Horse Beer, Red Horse Super, San Mig Light, San Miguel Flavored Beer, o Gold Eagle Beer), tingnan ang ilalim ng tansan para sa premyo, at i-redeem ang napanalunan.

Isang lalaki, nanalo ng Yamaha NMAX 2024 dahil sa tansan promo ng SMB

Isa nga sa mga maswerteng nanalo ng brand-new Yamaha NMAX dahil sa tansan promo ng SMB ay si Juztine Taruc.

Manginginom nanalo ng Yamaha NMAX 2024, dahil sa isang Gin
PHOTO : Manginginom nanalo ng Yamaha NMAX 2024, dahil sa isang Gin

Sa kanyang post sa Facebook noong Hulyo 25, ibinahagi niya kung paano niya na-redeem ang motor.

Kinumpirma rin ng San Miguel Beer sa pamamagitan ng isang Facebook post ang pagkapanalo ni Juztine. 

Ayon sa kanila, “May nanalo na! Congratulations Juztine Taruc sa iyong bagong Yamaha NMAX! Tuloy-tuloy lang ang pag-inom ng San Miguel Beer at baka kayo na ang susunod na mananalo sa San Miguel Beer Tansankatutak Panalo Under-the-crown Promo. Huwag kalimutang silipin ang ilalim ng tansan!”

Netizens, napa-sana all 

Maraming netizens naman ang nagpahayag ng kanilang interes na bumili ng mga produkto ng San Miguel sa pag-asang manalo rin ng katulad na premyo. 

Lingid sa kaalaman ng marami, isa ang Yamaha NMAX 2024 sa mga popular na scooter model sa bansa. 

Base sa website na Zigwheels, ang Yamaha NMAX 2024 ay nagkakahalaga ng ₱151,900 sa Pilipinas. 

Ang NMAX ay mayroong 155 cc engine, 15.1 hp of power, at 13.9 Nm of torque.

Sa tulong ng SAN MIGUEL BEER TANSANKATUTAK PANALO promo, marami pang Pilipino ang magkakaroon ng pagkakataong manalo ng mga premyong tulad ng Yamaha NMAX. 

Kaya’t uminom, silipin ang ilalim ng tansan, at baka kayo na ang susunod na masuwerteng manalo. 

Ang promo ay bukas sa buong bansa mula July 1, 2024, hanggang December 31, 2024.


Sunday, July 28, 2024

Andi, binatikos dahil nagkamot ng braso habang inaayos ang inumin

Usap-usapan ng mga netizens ang pagkamot ng aktres na si Andi Eigenmann ng kaniyang braso habang nag-aayos ng inumin sa Siargao.

Si Andi Eigenmann ay dating aktres at kasalukuyang social media influencer.

Umani ng iba’t ibang reaksyon matapos siyang makuhanan ng video na nagkakamot ng kanyang braso habang nagsi-serve ng inumin sa kanilang snack bar sa Siargao.

Andi, binatikos dahil nagkamot ng braso habang inaayos ang inumin
PHOTO : Andi Eigenmann

Inupload ng isang netizen na nagngangalang Alvin S. Lopez ang video na mabilis na nag-viral.

Nag-viral kamakailan ang isang video ni Andi na abala sa paghahanda ng mga inumin sa kanilang snack bar. 

Ang nakatawag-pansin sa mga netizen ay nang makita nilang nagkamot si Andi ng kanyang braso at pagkatapos ay hinawakan ang mga inumin na kanyang siniserve.

Sanitary issue ng Snack Bar ni Andi Eigenmann

Marami ang nagbigay ng negatibong komento ukol sa insidente, partikular na sa isyu ng kalinisan at kaligtasan ng pagkain. 

Ayon sa kanila, hindi sanitary ang ginawa ni Andi na magkamot ng braso habang nagsi-serve ng inumin. 

Dagdag pa rito, napansin din ng mga netizen na mukhang hindi maayos si Andi dahil wala siyang suot na hairnet, gloves, at apron—mga pangunahing rekisito sa food and beverage industry.

Iginiit nilang bagamat kilalang personalidad si Andi, hindi ito nangangahulugang exempted siya sa mga alituntunin ng food safety. 

Bilang isang business owner, mahalaga umano ang pagpapanatili ng kalinisan at kaligtasan ng pagkain upang masiguro ang kalusugan ng mga customers.

Mga komento ng netizens:

“Hinding hindi mo ako mapapabili ng pagkain pag ang nagsi-serve naka-sleeveless. Wala na ngang hairnet, naka-sleeveless pa, at may kasama pang kamot. Hahahaha. Kahit na sino pa yan sila. Except kung kapamilya ng nagsi-serve pwede pa.”

“It doesn’t matter if you’re a celebrity or not, the point here is you should practice good hygiene & safe food handling practices, kahit may ari ka man o staff ng isang food chain/restaurant. Just saying.”

“She looks untidy, and she’s scratching her arms in front of the customer while serving the orders. That’s not ok; it contaminates the drinks or the foods. I just only saying about food safety, and I have nothing against her.”

“Bagsak yan pag sa hotel o restaurant industry. Dapat naka-gloves, face mask, hairnet, saka naka-apron.”

“If you are in the food industry, it’s non-negotiable that the service crew/staff are presentable and exemplify cleanliness. Hindi sa pagiinarte na napuna siya. It’s a standard we should uphold because paying customers deserve the best. We should demand what is expected of them, no excuses.”

Samantala, ipinagtanggol naman si Andi ng uploader ng video.

Nilinaw niyang hindi niya intensyon na ipakita sa lahat ang pagkakamot ng braso si Andi habang nagsi-serve.

Aniya, “For the information of everybody, I have no idea about sa pag scratch ni Andi dahil nakafocus ako sa maganda niyang mukha and naka-linya ako para umorder di ko napansin yun kamay nya and wala naman issue sakin talaga , kami ngang mga uminom nya walang reaction , to all viewers and nagcocomment paki control nlng mga sinasabi nyo , Just visit siargao nlng and meet andi and tell her mga kuda nyo. I have no intention na ipakita ang pagkamot nya nataon lang.”

“Mga Guys baka di nyo alam na sa Siargao to ha ? island life atake dyan di yan sa City or any , saka medyo pa gabi na yan i think sa lamok yang pag kamot ni Andi , wag na kayo mag Selan , Mag Siargao nlng kayo kuha kayo package sakin,” dagdag niya.


Saturday, July 27, 2024

Ogie Diaz, hindi nag enjoy sa video ni Mark Anthony Fernandez

Aminado ang talent manager na si Ogie Diaz na hindi niya in-enjoy ang viral video ng aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Kung ating babalikan, tila piyesta sa social media ang pagpapakalat ng mga netizens sa sensitibong video ng aktor na si Mark Anthony.

Makikita sa naturang viral video ang isang lalaki na kawangis ni Mark sabay pakita ng kaniyang ari sa camera.

Masyadong maikli ang mga video clips at medyo malabo rin ang kuha, kalaunan ay may isang babae na lumapit kay Mark, sabay dinakma at kinain nito ang etits ng aktor.

Pagiging "DAKS" ni Mark Anthony Fernandez, kumpirmado
PHOTO : Mark Anthony Fernandez

Marami naman sa mga netizens na nakapanuod na sa nasabing viral video ang humanga sa kadakilaan ng aktor, sila rin ang nag-kumpirma na member ng “Daks” community si Mark Anthony.

Ogie Diaz, hindi nag-enjoy sa video ni Mark Anthony Fernandez

Aminado naman si Ogie Diaz na napanuod niya at inimbestigahan niya ang viral video ni Mark Anthony pero ayon sa showbiz insider, hindi niya na-enjoy ang maselang video ng aktor.

“Sa totoo lang, dapat mag-iingat si Mark. Ayan, lumabas na. Hindi natin alam sino bang naglabas no’n. Silang dalawa lang no’ng girl ang nandoo’n. Kaninang camera ‘yong gamit?” panimula ni Ogie Diaz.

“At talagang inedit pa ‘yong ibang portion. Talagang iba-iba ‘yong positioning…ng pag-a-acrobat. Nakakaloka ng taon, e,

“Ako inimbestigahan ko lang naman ‘yon. Hindi ko siya in-enjoy. Parang lumabas lang na habang pinapanood ko siya, parang alam mo ‘yon, imbestigador lang ako.” dagdag pa niya.

Kampo ni Mark, reresbak

Reresbak ang aktor na si Mark matapos nilang napag-alaman na may mga nagpapakalat ng kaniyang viral video at ibinebenta pa ito sa pamamagitan ng isang app [Telegram].

Matapos kasing mag-trending sa X [dating Twitter] si Mark Anthony ay maraming netizens ang naglibot at nag-hagilap sa social media para mapanuod lamang ang naturang video.

Marami naman sa mga netizens ang may kopya ng video kaya naisipan nilang magbenta habang mainit init pa ang isyu ng aktor.


John Estrada isinugod sa ospital, alamin ang kaniyang kalagayan

Marami ang nag-alala sa aktor na si John Estrada, na kilala ngayon bilang “Rigor” dahil sa kanyang sikat na karakter sa seryeng “Batang Quiapo”.

Ito’y matapos ibahagi ng kanyang anak na si Kaila Estrada noong Huwebes, July 25, ang isang litrato kung saan makikitang nakahiga si John sa hospital bed. 

Nasa tabi ni John ang isa pa niyang anak na si Moira Estrada, at mapapansing naka-suwero ang kanang kamay ng aktor. 

Sa larawan, makikita rin ang “Asian Hospital and Medical Center” na naka-imprinta sa unan sa tabi ni John.

Hindi naman sinabi ni Kaila kung ano ang dahilan ng pagkakaospital ng kanilang ama, kaya kanya-kanyang hula ang netizens tungkol dito.

John Estrada, dahilan ng kaniyang pagka-ospital

May ilang netizens ang nagsabi na maaaring “stress” umano si John dahil sa marital problems nila ng kanyang misis na si Priscilla Meirelles. 

May ilan ding nagsabi na tila kinarma na raw si John dahil sa pagiging babaero umano niya.

Kamakailan lamang, pumutok ang balitang may problema sa pagsasama nina John at Priscilla. 

Sa isang Instagram post ni John habang nasa Boracay, nagkomento si Priscilla at pinangalanan pa ang babaeng kasama umano ni John.

Babaeng kasama ni John Estrada sa Boracay, binuking ni Priscilla
Babaeng kasama ni John Estrada sa Boracay, binuking ni Priscilla

Kasunod nito, nagsalita si John at inamin na matagal na silang nagdesisyon ni Priscilla na maghiwalay muna.

Ayon kay John, “Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now. There’s more to the story but the last thing I want to do is to hurt people I love.”

Dagdag pa niya, “I want to make it clear that I am not in a relationship with Lily Hallman or any other woman for that matter. I just met her in Boracay. I had a short break from work and felt the need for a breather. This is a private family matter that’s why I ask for privacy as we deal with this. Thank you.”

Priscilla, itinanggi ang pahayag ni John tungkol sa kanilang paghihiwalay

Ngunit ikinagulat ng marami nang pabulaanan ni Priscilla ang mga sinabi ni John. 

Ayon kay Priscilla, sobra siyang nagulat at nasaktan sa pahayag ni John tungkol sa kanilang paghihiwalay.

John Estrada, confirms breakup with Priscilla Meirelles
PHOTO : John Estrada and Priscilla Meirelles

Nilinaw niyang wala silang napag-usapan ni John tungkol sa kanilang paghihiwalay at iginiit na kasal pa rin sila ni John.

Aniya, “I am deeply shocked and disheartened by Mr. Estrada’s recent public statement. To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation. We were married when I left the Philippines and remain married as of this time.”

Dagdag pa ni Priscilla, “While there is indeed more to this story, it is not appropriate to delve into those details. Regardless of what those may be, however, it won’t change the course of faith.”

Kasalukuyang nagbabakasyon sa kanyang bansa sa Brazil si Priscilla kasunod ng hiwalayan nila ni John.


Mariel Pamintuan hindi inimbitahan sa GMA Gala 2024, alamin

Nagsalita na ang aktres na si Mariel Pamintuan kung bakit wala siya sa katatapos lamang na GMA Gala 2024 ng Kapuso Network.

Marami kasi ang nag-abang sa “food review” ni Mariel sa GMA Gala, lalo pa’t bongga ang event na ginanap sa Manila Marriott Hotel, Pasay City, noong July 20. 

Ngunit napansin nga ng maraming netizens na wala si Mariel sa mga artista na rumampa sa red carpet.

Mariel Pamintuan hindi inimbitahan sa GMA Gala 2024, alamin
PHOTO : Mariel Pamintuan / GMA GALA

Kaya inusisa siya ng mga netizen kung bakit wala siya sa GMA Gala.

Ang pagkakaalam kasi ng marami ay artista ng GMA si Mariel, kung saan huli siyang napanood sa action series na “Black Rider”.

Mariel Pamintuan, hindi invited sa GMA GALA 2024

Matapos bumaha ng ilang katanungan kung bakit wala siya sa GMA Gala, binasag ni Mariel ang kanyang katahimikan.

Sa kanyang Facebook post noong July 23, inamin ni Mariel na hindi siya inimbitahan sa GMA Gala dahil natapos na ang kanyang kontrata sa GMA at ngayon ay isa na siyang freelance artist.

Ayon kay Mariel, “Hallur Krazy Pipol, it has come to my attention that some of you… ang hirap pala tagalugin ko na nga lang! May mga nalungkot dahil di ako na-imbita sa GMA Gala. Natapos na po ang aking 2 yr. contract sa kanila at ngayon ay isa na po akong freelancer.”

Sa kabila ng hindi pag-imbita sa kanya ng GMA, iginiit ni Mariel na malaki ang kanyang pasasalamat sa GMA. 

Aniya, “Ganun pa man, gusto ko pong malaman niyo na malaki ang pasasalamat ko sa GMA na binigyan nila ako ng mga proyektong nahubog ang kakayahan ko bilang artista at nakatulong sa aming pinansyal. Yun po ay malaking bagay para sa akin kaya naman nanatiling masaya ang aking puso. I love Kapuso EYYYY.”

“P.S. Sayang, mukhang masarap ang food EYYYY,” dagdag pa niya.

Maraming netizens ang nalungkot at nanghinayang dahil hindi inimbitahan ng GMA si Mariel sa kanilang gala. 

Komento ng netizens:

“Sayang naman wala ka dun, isa ka sa may pinaka-magandang face and like ko the way you act.”

“Kaya pala ibang GALA ang napanood ko. Inaabangan ko pa naman ang pag food critic mo hahaha.”

“Sana na-invite ka, may mga vlogger din naman dun na walang kontrata char.”

“Sayang wala kang reviews sa food nila ngayon hehe. Love you, Mariel.”

“Ang daming nag-abang sa’yo para sa gala night. Sayang wala ka.”


Friday, July 26, 2024

Bagong Girlfriend ni Daniel Padilla, pina-ngalanan na

Naging maingay at usap-usapan ngayon sa social media ang bagong girlfriend ng aktor na si Daniel Padilla na may pangalang “Amanda”.

Kung ating babalikan, November 2023 kinumpirma ng KathNiel ang kanilang hiwalayan matapos ang 11 years na relasyon.

Napansin rin ng mga netizens na masaya na ang dating girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo sa bago nitong ka-love team na si Kapuso aktor Alden Richards.

Kasalukuyan din na binubuo ng KathDen ang sequel ng Hello Love Goodbye.

New girlfriend ni Daniel Padilla, kilalanin

Isa si Ogie Diaz sa nag-kumpirma na may bagong girlfriend na si Daniel sa pamamagitan ng kaniyang “Showbiz Update” noong July 25, nabanggit ng showbiz insider na ang pangalan umano ng babaeng nali-link kay Daniel ay “Amanda”.

Panimula ni Ogie : “May nag-pm sa akin. Kasi tinatanong ako kung mayro’n na ring jowa si DJ, si Daniel Padilla. At tinatanong ako kung totoo po ba na ang pangalan ng bagong girl friend ni DJ ay Amanda.”

“Hindi naman natin alam ‘yan. Talagang binabasa lang natin ‘yan at bahala na sila—si Daniel, si Kathryn [Bernardo] kung mayro’n silang gustong sabihin sa mga fans.” dagdag pa ni Ogie.

Robin Padilla sa KathNiel : “Magkaka-balikan yon!”

Malakas ang paniniwala ng senador na si Robin Padilla na magkaka-balikan pa ang KathNiel.

Robin Padilla sa KathNiel Magkaka-balikan yon
PHOTO : Robin Padilla and KathNiel

Base sa ulat ng Abante, nahingan ng reaksyon si Robin tungkol sa hiwalayan nina Daniel at Kathryn, o KathNiel, sa mediacon ng kanyang bagong pelikula tungkol sa buhay ni dating senador Gringo Honasan.

Ayon kay Robin, hindi nagkukuwento sa kanya si Daniel pero kahit papaano ay may alam umano siya sa kwento ng love story at hiwalayan nito at ni Kathryn.

Aniya, “Kapag magkasama kami (Daniel), puro kantahan, pero sa loob ng kanta nandoon ang mga kwento…Kapag gumawa ng pelikula ‘yon, magkakabalikan ‘yon.”

Dagdag ni Robin, “Ganun lang talaga, sa tagal natin sa industriya alam naman nating lahat na mga ganyang partnership, love team, dadaan sa prosesong ganyan, kasi nagma-mature sila, eh. Nakikita nila ‘yung mundo… kung gaano kalawak ang mundo.”


Thursday, July 25, 2024

Ai Ai delas Alas mistulang homeless, natulog sa sahig ng Airport

Viral sa social media ang mga larawan ng komedyanteng si Ai Ai delas Alas matapos itong matulog sa sahig ng Airport sa Amerika.

Stranded at walang choice si Ai Ai matapos naapektuhan ang kanilang flight ng kaniyang anak na si Sophia dahil sa malawakang global outage.

Microsoft Global Outage, ilang kumpanya apektado

Ang mga airline, paliparan, bangko, kumpanya ng telekomunikasyon, at iba pang institusyon sa buong mundo ay nag-ulat ng mga pagka-antala sa kanilang serbisyo dahil sa Microsoft outage.

Ang malwakang IT outage ay sanhi ng “faulty update” mula sa cybersecurity company na CrowdStrike, na nakaapekto sa mga computer na nakabatay sa Windows.

Ai Ai, walang arte na natulog sa sahig ng Airport

Dahil nga sa technical issues, walang choice sina Ai Ai kundi ang sumalampak na lamang sa sahig ng airport at matulog.

Nataon kasi na nasa Charlotte International Airport sa United States si Ai Ai at Sophia nang magkaroon ng nasabing technical problem, papunta sana sila sa North Carolina.

Ai Ai delas Alas mistulang homeless, natulog sa sahig ng Airport
PHOTO : Ai Ai delas Alas mistulang homeless, natulog sa sahig ng Airport

Ibinahagi rin ni Ai Ai na buti na lamang ay may dala silang kumot at unan.

Aniya : “Ng dahil sa software global outage na to humiga na lang ako sa sahig sa Charlotte International Airport…salamat at may dala ako kumot at unan.

“Salamat sa DIYOS kasama ko [ang] aking baby girl Sophia Delas Alas siya ang nag asikaso ng flight and luggages namin…techi techi siya. Sabi ko sa kanya kung wala ka iiyak nalang ako,

“Huwag magbiyahe mag-isa, lalo na pag ‘di ka naman magaling sa mga computer online…’Wag ilagay sa maleta ang food (hindi sa carry on ko nakalagay —nilagay ko sa check-in, shunga shunga ko super tomjones akey) at wag mawawala ang kumot at unan,”

Sa update, ibinahagi ni Ai Ai na nagpasundo na siya at by land nalang sila bibiyahe ng kaniyang anak patungo sa kanilang pupuntahan.


Wednesday, July 24, 2024

Pagiging “DAKS” ni Mark Anthony Fernandez, kumpirmado

Tila piyesta sa social media ang pagpapakalat ng mga netizens sa sensitibong video ng aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Hindi naman kumpirmado kung ang nasa viral video ay talagang si Mark, uso na kasi sa panahon natin ngayon ang mga video na gawa sa AI o Artificial Intelligence.

Makikita sa viral video ang isang lalaki na kawangis ni Mark sabay pakita ng kaniyang etits sa camera.

Masyadong maikli ang naturang video at medyo maypagka-malabo rin ang kuha, kalaunan ay may isang babae na lumapit kay Mark, sabay dinakma at kinain nito ang dakila ng aktor.

Kumalat na video ni Mark Anthony Fernandez, movie pala?

Ayon sa source ng Bandera, ang video na kumakalat sa social media ay kuha umano sa isang proyekto ni Mark at ito ang pelikulang “Scorpio Nights 3”.

Sa Scorpio Nights 3 ay buong tapang ang aktor na nagpakita ng kaniyang private part kasama ang aktres na si Vivamax Bombshell na si Christine Bermas.

Pagiging "DAKS" ni Mark Anthony Fernandez, kumpirmado
PHOTO : Mark Anthony Fernandez viral video

Marami naman sa mga netizens na nakapanood na sa nasabing viral video ang humanga sa kadakilaan ng aktor.

Kampo ni Mark, reresbak

Reresbak ang aktor na si Mark matapos nilang napag-alaman na may mga nagpapakalat ng kaniyang viral video at ibinebenta pa ito sa pamamagitan ng isang app [Telegram].

Matapos kasing mag-trending sa X [dating Twitter] si Mark Anthony ay maraming netizens ang naglibot at nag-hagilap sa social media para mapanuod lamang ang naturang video.

Marami naman sa mga netizens ang may kopya ng video kaya naisipan nilang magbenta habang mainit init pa ang isyu ng aktor.

Komento ng netizens sa viral video ni Mark :

“Umagang umaga ka naman Anthony Fernandez. eyyyyyy,”

“Ang daks pala ni sir Mark Fernandez hahahahha pero pipilitin ko ekasya sa kiffy ko. Good Morning talaga sakin hahahha,”

“Ay iba din ang anthony fernandez. Pero trip ko din yung girl haha.”


Tuesday, July 23, 2024

Bagong kasal sa Cebu, nawawala matapos anurin ng baha

“’Til death do us part” – Ang pangakong binitawan ng bagong kasal na sina Elmer Costan, 27 anyos at Rhizza Mae Ypil, 27.

Sila ay mula sa Cebu nang magsumpaan sila sa harap ng altar noong July 7.

Ngunit sino ang mag-aakala na ang kanilang wedding vows ay magkakatotoo nang napakaaga at hindi inaasahan? 

Isang araw kasi matapos ang kanilang kasal, trahedya agad ang dumating sa kanilang buhay.

Bagong kasal sa Cebu, nawawala matapos anurin ng baha
PHOTO : Bagong kasal sa Cebu, nawawala matapos anurin ng baha

Habang puno pa ng saya at pag-asa ang kanilang mga puso bilang bagong mag-asawa, wala silang kamalay-malay na may paparating palang malagim na trahedya na tatapos sa kanilang mga buhay.

Bagong kasal sa Cebu, nawawala dahil sa baha

July 8, inanod ng malakas na agos ng tubig baha ang sinasakyang pulang pickup truck nina Elmer at Rhizza Mae sa Sitio Mangitngit, Brgy. Lower Natimao-an, Carmen, Cebu.

Ayon sa kanilang pamilya, galing sa isang outing o resort sina Elmer at Rhizza Mae kasama ang iba pa nilang pamilya at mga kaibigan.

Ito’y para i-celebrate ang kasal nina Elmer at Rhizza.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nang papauwi na sila ay nakasalubong nila ang pag-apaw ng isang creek sa Brgy. Lower Natimao-an, Carmen.

At sa kasamaang palad, na-stranded ang kanilang sinasakyang pickup at hindi na nga sila nakalabas pa.

Kaya sa huli, tuluyang inanod ang kanilang sasakyan, at maging ang kanilang mga katawan ng tubig baha.

Isang araw matapos ang insidente ang katawan ni Rhizza Mae ay natagpuan sa baybayin ng Catmon, Cebu.

Ang mas masaklap at nakakalungkot, ayon sa kanyang pamilya ay pitong buwang gulang na buntis si Rhizza Mae.

Ayon sa ilang local news sites sa Cebu, bukod kina Elmer at Rhizza Mae, may limang tao pa ang nasawi sa trahedya.

Pagpanaw ng bagong kasal, may pangitain na?

Samantala, hindi naman inaasahan ni Mayor Carlo Villamor ang insidente dahil hindi umano ito pangkaraniwan.

Unang-una dahil maliit lamang umano ang creek. Pangalawa, biglang rumagasa ang baha nang tumawid na ang bagong kasal.

Sa kabilang banda, matapos ang trahedya ay nag-viral naman ang videos mula sa kasal ng mga biktima.

At isang kakaibang bagay nga ang kanilang napansin sa kasal ng mag-asawa.

Ito ay ang itim na altar ng simbahan at ang kakaibang wedding song na tila umano pampatay.

Makikitang tila under construction ang simbahan kaya naman may nakatakip na itim na trapal sa altar.

Dahil sa mga detalyeng ito, mistulang may “pangitain” na raw na may masamang mangyayari sa mag-asawa.

Komento ng netizens:

“Parang may mga pangitain na Ang lungkot ng kanta ska bkit Black Ang altar. Itim n kurtina b yon?”

“Bakit ganyan ang decorations ng simbahan itim? Wala po bang nakapansin Nyan bago ikasal?”

“iba Ang aura ng simbahan..at tyaka Ang kanta parang kapag nagma mass na may ililibing.”

“Oh my God parang sa patay ang kanta nakakalungkot.. kasabay pa ng itim na kurtina sa altar dapat beautiful in white na lang yun song, it’s a sign na talaga”

“Kawawa naman sila bagong kasal tapos inanod ng baha. The sign is very visible…kakatakot yung black na altar.”

“Ang weird pa mang sounds nila habang nag lalakad Ang bride… Yung song at Ang altar na under construction eh itim.. pwede nman sana tinakpan nila nang puti para sa ikakasal..”


Herlene Budol, inaming mahirap katrabaho si Empoy Marquez

Inamin ng Kapuso comedian-beauty queen na si Herlene Budol na mahirap katrabaho ang aktor at komedyanteng si Empoy Marquez.

Sa ulat ng Inquirer, ikinuwento ni Herlene sa presscon para sa huling linggo ng kinabibilangan niyang series na “Black Rider” ang karanasan niya habang katrabaho si Empoy.

Lingid kasi sa kaalaman ng marami,  katambal ni Herlene sa serye si Empoy.

Ginagampanan ni Herlene ang papel na “Pretty”, na isang battered wife habang ginagampanan naman ni Empoy ang papel na “Oka”, na isang motorcycle driver at kanyang admirer.

Kalaunan ay nagkatuluyan sa huli ang mga karakter nina Herlene at Empoy.

Para kay Herlene Budol, mahirap raw katrabaho si Empoy Marquez

Samantala, marami nga ang kinikilig sa tambalan nina Herlene at Empoy dahil sa kanilang chemistry on screen.

Pero ayon kay Herlene, hindi raw madali ka-eksena si Empoy.

Herlene Budol, inaming mahirap katrabaho si Empoy Marquez
PHOTO : Herlene Budol and Empoy Marquez

Hindi dahil may attitude ang aktor kundi dahil sobrang husay umano nito umarte o magpatawa.

Paliwanag ni Herlene, lagi siyang natatawa sa facial expressions ni Empoy tuwing nasa kalagitnaan sila ng isang mabigat na eksena kung saan kailangan niyang umiyak.

Aniya, “Ang hirap po niyang katrabaho, sobrang hirap. His facial expressions make me laugh even if we’re doing a heavy scene where I have to cry,”

Inamin nanan ni Herlene na bata pa lang siya ay tagahanga na siya ni Empoy.

Kaya naman lagi raw siyang na-a-out of character kapag kaeksena niya si Empoy dahil napakahusay umano nito pagdating sa pag-arte at pagpapatawa.

Ani Herlene, “When I look at him, I can’t help but break character. I become a fan girl. Bata pa lang kasi ako, napapanood ko na ang isang Empoy. His smallest movements and nuances bring out my real personality,”

Sa kabila nito, ibinahagi ni Herlene na ini-enjoy na lamang niya ang pagsasama nila ni Empoy sa serye. 

Aniya, “In terms of chemistry, our director Rommel Penesa, would tell me, ‘Meron talaga.’ I’d reply, ‘Talaga ba, Direk?’ I just try to enjoy every moment when I’m working with him. Masaya naman po kami kapag naglalandian sa set.”

Magtatapos na ang “Black Rider” ngayong darating na Biyernes, July 26.


Nadine Samonte, kinawawa sa GMA Gala dahil wala sa guest lists?

Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang isiniwalat ng stylist ng aktres na si Nadine Samonte tungkol sa GMA Gala.

Ito’y tungkol sa umano’y treatment ng Sparkle GMA Artist Center kay Nadine sa katatapos lang na GMA Gala na ginanap noong Sabado, July 20.

Stylist ni Nadine sa Sparkle GMA: “Treat your artists right”

Sa X post ng stylist niyang si Keith Manila, naglabas ito ng sama ng loob laban sa Sparkle GMA dahil sa pagtrato nila kay Nadine.

Ayon kay Keith, in-invite daw ng Sparkle GMA si Nadine pero nang makarating sa venue, napag-alaman nilang wala raw pala ito sa guest list.

Ibig sabihin, walang upuan para kay Nadine dahil sa mga ganitong event may sinusunod silang seating assignments.

Kaya naman umapela si Keith sa Sparkle GMA na tratuhin nang tama ang kanilang mga artista kahit wala na raw ito sa prime years gaya ni Nadine.

Ani Keith, “Treat your artists right. Kahit na di yan prime niyo. Bakit kayo mag-iinvite pero wala pala sa listahan. ‘Wag niyo unahin mga influencers na ininvite niyo. So disappointing Sparkle GMA Artist Center. #GMAGALA2024.”

Pahabol na tweet pa ni Keith, “HINDI NAKAKASPARKLE” kalakip ang hashtag na “GMA Ball 2024.”

Nadine, walang pictures o videos na nasa loob ng venue ng GMA Gala Night 2024

Hindi naman malinaw kung nakapasok ba si Nadine sa venue o wala.

Ngunit may ilang espekulasyon na baka hindi umano pinapasok, o pinapasok naman pero hindi na tumuloy si Nadine dahil sa hiya dahil wala pala siya sa guest list. 

Kapansin-pansin kasi na walang kahit anong post o larawan si Nadine na nasa loob siya ng venue.

Sa kanyang Instagram account, makikitang tanging pictures at videos lang niya habang nasa red carpet ang ibinahagi ni Nadine.

Samantala, muli namang ibinahagi ni Keith ang isang powerful picture ni Nadine na inspired sa sikat na British actress na si Audrey Hepburn. 

May caption itong, “She deserves a seat at the table.”

Nadine: “I’ll just drink my coffee and smile”

Makahulugan naman ang Instagram post ni Nadine nitong Lunes, July 22, kung saan ibinahagi niya ang kanyang mga larawan na umiinom ng kape sa kanyang Audrey Hepburn outfit.

Nadine Samonte, kinawawa sa GMA Gala dahil wala sa guest lists?
PHOTO : Nadine Samonte / GMA Gala

Kalakip nito ang caption na, “I’ll just drink my coffee and smile.”

Para sa mga hindi nakakaalam, isa si Nadine sa pinakamahusay at pinakasikat na aktres ng kanyang henerasyon. 

Kabilang din siya sa mga homegrown talent ng GMA kung saan nag-umpisa siya sa showbiz matapos sumali sa first batch ng reality show nilang “Starstruck.”

Hindi na rin mabilang ang mga proyekto na ginawa ni Nadine sa Kapuso network gaya ng “Marimar,” “Endless Love,” at “Darna.”

Kaya naman maraming netizens ang dismayado sa ginawa ng Sparkle GMA.

Komento ng ilang netizens:

“Totoo po ba na walang seat available for you sa Gala night? With all your preparations wala sa list? Grabe kayo @gmanetwork”

“Artist pa nila yan ah. First time nalang ata ni Nadine umattend dahil alam ko kaka-sign niya lang sa Sparkle tapos ganito? Lol”

“Parang wala siya photo inside the ballroom. Wala rin siyang kahit repost lang stories. Puro hanggang red carpet lang. Sad naman kung totoo.”

Sa ngayon, wala pang pahayag ang Sparkle GMA sa isyu.


Monday, July 22, 2024

Ogie Diaz, sinupalpal si Jude Bacalso: “Entitled naman masyado”

Hindi napigilan ng talent manager na si Ogie Diaz na mag-react sa issue ngayon sa social media ng transgender na si Jude Bacalso.

Ito ay patungkol sa LGBT customer na si Jude na pinatayo umano ang isang waiter sa isang mall sa Cebu ng dalawang oras dahil lang tinawag siya nitong “Sir.”

Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, July 22, iginiit ni Ogie na mukhang nainsulto umano si Jude dahil tinawag siyang “Sir” kahit nakaayos pambabae siya.

Trans, galit na galit sa waiter matapos tawagin siyang "Sir"
PHOTO : Waiter pinatayo ng halos 2 oras ng isang Transgender

Ogie Diaz kay Jude Bacalso: “Sana pinakitaan mo ng pruweba na magpapatunay na babae ka”

Ayon pa kay Ogie, kung gusto umano ni Jude na tawagin siyang “Ma’am” sana raw ay nagpakita ito ng katibayan na magpapatunay na isa siyang babae gaya na lamang ng birth certificate na may nakalagay na “Female.”

Ani Ogie, “Pinatayo mo for 2 hours yung waiter kasi nainsulto ka dahil tinawag kang “Sir.” Yan ang lumalabas sa mga posts. (Nasa comment section yung link.) Nainsulto ka kasi, nakaayos-babae ka, pero hindi mo na-achieve na tawagin kang “Ma’am.”

“Ganun naman pala na babae ang tingin mo sa sarili mo, eh di sana, pinakitaan mo ng pruweba na magpapatunay na babae ka talaga bukod sa pagpapakita ng keps. Katulad kunwari ng birth certificate. Ipakita mo na FEMALE ang nakalagay sa gender mo doon para mas maintindihan ka ng waiter kung saan nanggagaling yung ngitngit mo,” dagdag ni Ogie.

Ogie, tinawag na sobrang “entitled” si Jude

Para naman kay Ogie, sobrang “entitled” umano ni Jude dahil gusto nitong agad-agad na mag-adjust ang lahat sa desisyon nitong mag-iba ng pagkatao.

Ani Ogie, “Nagdesisyon kang ibahin ang pagkatao mo, tapos ang gusto mo, mag-adjust lahat ang mga tao sa pagbabago mo ng anyo. Agad-agad? Di ba pwedeng dahan-dahan lang, Ateng? Tutal, ikaw naman ang nagdesisyong magbago ang takbo ng pagkatao mo? Entitled ka naman masyado, teh.”

Sinabi rin ni Ogie na itsura lang ni Jude ang nagbago at hindi ang pagkatao nito.

Aniya, “Nag-sorry na nga yung waiter, di pa rin sapat at pinatayo mo pa talaga nang dalawang oras? Gusto mong maging proud ang LGBTQIA+ community sa ‘yo, paano? Itsura mo lang ata nagbago, sana, idinamay mo na rin pati pagkatao mo para mabitbit mo kahit saan ka dumayo.”

Sa huli, pinangaralan ni Ogie si Jude na kung nais umano nitong pairalin ang “gender sensitivity” para sa LGBTQIA+ community sana raw ay maging sensitibo rin ito sa nararamdaman ng ibang tao.

Aniya, “Gusto mo pairalin ang gender sensitivity ng mga tao sa LGBTQIA+ community, pero hindi ka naman sensitive sa nararamdaman ng ibang tao. Pag ang tao, nag-sorry na, patawarin mo na. Wag mo nang binibig-deal ang isang sitwasyon na ikaw mismo, kaya mong solusyunan, ayaw mo lang.”

“Wag ka nang maging initials ng asawa ni Regine Velasquez,” patutsada ni Ogie kay Jude.

Matatandaang sa kanyang pahayag, sinabi ni Jude na hindi siya nasaktan dahil sa pagtawag ng “Sir” ng waiter sa kanya.

Kaya umano niya kinausap ang waiter ay para turuan ito tungkol sa gender sensitivity.


Trans, galit na galit sa waiter matapos tawagin siyang “Sir”

Viral sa social media ang isang transgender matapos niyang ipatayo ng halos 2 oras ang isang waiter matapos siyang tawagin na “Sir”.

Isang netizen na nag-ngangalang John Calderon ang nagbahagi sa social media ng pangyayari sa pagitan ng isang transgender at ng kawawang waiter.

July 21 around 6pm, habang nasa Ullis Ayala Center, Cebu umano si John at napansin nila na may isang waiter na matagal nang nakatayo habang kausap ang isang customer na kinilala bilang si Jude Bacalso [Transgender].

Transgender, nagalit matapos tawaging “Sir”

Nagtataka si John at ang kaniyang ina dahil halos dalawang oras na umanong nakatayo ang waiter, agad nila itong nilapitan at tinanong ang transgender kung ano ang nangyari.

Trans, galit na galit sa waiter matapos tawagin siyang "Sir"
PHOTO : Waiter pinatayo ng halos 2 oras ng isang Transgender

Sagot ni Bacalso [Trans] : “Go ask him what happened.”

Matapos nilang matanong ang waiter kung ano ang nangyari, ang puno’t dulo pala kung bakit siya pinatayo ng matagal ay dahil sa pagtawag ng waiter na “Sir” kay Bacalso [Transgender].

Sagot ng waiter : “Natawag ko siyang ‘Sir’.”

Waiter, pinatayo ng isang Transgender ng sobrang tagal

May ibang staff ng Ulli’s ang humingi ng dispensa kay Bacalso [Transgender] ngunit hindi ito nagpatinag at matapang pa umano ito.

Ani ng Trans : “Well, you will be standing there until you can answer my question.”

Matapos tanungin ni John ang waiter, agad nila itong dinala sa staff room at doon na ito umiyak at nagka panic attacked.

Ayon pa kay John, marami umanong tinanong ang Transgender sa waiter na hindi nito masagot, mga tanong na tila may kinalaman umano sa gender equality.

Hindi napigilan ni John ang maglabas ng saloobin sa ginawa ni Bacalso [Transgender] at ayon pa sa kanya, walang karapatan ang Transgender na tratuhin nang hindi maayos ang kahit na sino.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang pahayag, galit at inis sa Transgender dahil sa ginawa nito sa kawawang waiter.

Anila : “Kahit baliktarin pa ang mundo sir ang tatawag sayo kc lahat nmn tyo my respito sa isang tao hehehe”

“Natural pag ang tingin mo sa Isang tao ay bakulaw, huag mong tatawaging ma’am.”

“SIR! YES SIR!! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir!Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir!Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir!Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir!Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! Sir! “


Sunday, July 21, 2024

Barbie Forteza, tinakbo si Herlene Budol nang nahulog sa stage

Viral at hinangaan ng netizens si Barbie Forteza matapos niyang tulungan ang comedian-beauty queen na si Herlene Nicole Budol matapos itong nahulog sa stage.

Umingay si Barbie hindi lang dahil sa napakagandang white ball gown nito na gawa ng sikat na Filipino designer na si Mak Tumang, kundi dahil din sa kanyang napakabuting puso.

Ginanap ang GMA Gala nitong Sabado ng gabi, July 20, sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City na dinaluhan ng mga Kapuso stars maging ng ilang kilalang personalidad sa loob at labas ng showbiz.

Samantala, bawat artista ay may pagkakataon para ibida ang kanilang magagandang kasuotan.

Kabilang na rito sina Barbie at Herlene.

Sa ilang video na kumalat sa social media, makikita na magkasunod lang na rumampa sa stage sina Barbie at Herlene.

Todo-ngiti at kaway pa sa stage si Barbie kung saan ibinida niya ang kanyang gown.

Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap.

Herlene Budol nadapa sa stage ng GMA Gala; Barbie, to the rescue

Habang nasa gitna kasi ng stage si Barbie, isang aksidente ang nangyari sa kabilang bahagi ng stage kung saan makikitang biglang nadapa si Herlene habang pababa siya sa stage.

Herlene Nicole Budol, nahulog sa stage ng GMA Gala
PHOTO : Herlene Budol nahulog sa stage

Nakunan ang pagkagulat at biglang pagtakbo ni Barbie sa pwesto ni Herlene para tulungan ito.

Hindi alintana ni Barbie ang kanyang suot na gown at heels para tulungan si Herlene.

Dahil sa ginawa ni Barbie kaya naman umani siya ng papuri mula sa netizens.

Ayon pa sa netizens, napatunayan umano nila na mayroong mabuting puso si Barbie at handang tumulong sa iba.

Marami ang naging instant fan ni Barbie dahil sa kanyang pagtulong kay Herlene.

Komento ng netizens:

“acccck very genuine, kindness, and caring po talaga kayoo @barbieforteza8doneyet @herlene_budol”

“yong facial reaction super real, so proud of you”

“partida naka heels din siya at mahaba ang gown. She’s so kind talaga ramdam mo naman.”

“Binibining Klay even in real life. super kind and a true friend to all”

“ilang beses kona napanuod pero lagi padin akong nanginginig sa ginawa ni barbie di nya ako fan pero ngayon gusto kona sya”

“walang pagdadalawang isip grabe halata sa mukha nya yung pagalala kay budol, kung ako yan tatawa muna ako bago puntahan”

“grabe..ang hirap tumakbo na naka high heels pero kinaya ni barbie para lang tumulong”

“yung struggle nya sa gown pero tumakbo padin,,, salute to this woman Barbie Forteza”

“grabe ang gaganda ng mga gown nila sa GMA Gala gumawa pa ng eksena si Herlene budol.”


Saturday, July 20, 2024

PWD Ramp na pinagawa ng MMDA, parang “Stairway to Heaven”

Umani ng batikos mula sa netizens ang bagong PWD Ramp na itinayo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa PhilAm station ng EDSA Busway sa Quezon City.

Nag-viral ang bagong rampa para sa mga PWD matapos punahin ng mga netizen ang disenyo nito.

Base kasi sa kanilang obserbasyon, sobrang tarik umano ng rampa at hindi madali at ligtas na gamitin ng mga PWD, lalo na ng mga naka-wheelchair.

Isang naka-wheelchair na PWD, nahirapan sa paggamit sa rampa ng MMDA

Para patunayan na hindi angkop para sa mga PWD ang rampa, sinubukan ito ng isang naka-wheelchair na PWD.

Sa ulat ng GMA News, makikitang sinubukan ito ni Nelson Belo mula sa grupo ng mga PWD na Life Haven.

At sa unang tingin, nasabi na agad ni Nelson na mahihirapan siya sa pag-akyat sa rampa.

Nang subukan, halatang hirap na hirap n si Nelson sa pag-akyat ng kanyang sarili sakay ng wheelchair.

Hindi na rin sinubukan pa ni Nelson na bumaba ng rampa dahil sa takot na baka bumulusok siya pababa at lumusot sa bakal na railings dahil sa sobrang tarik nito.

Ani Nelson, “Kapag dumidiretso ako doon, may bakal nga. Baka doon ako sumuot sa bakal.”

Maging ang kasama ni Nelson na tumutulak sa kanya, iginiit na mahirap dumaan sa rampa dahil sobrang tarik nito.

Architect sa ipinagawang PWD ramp ng MMDA: “Delikado ito”

Samantala, sinuri naman ni Architect Armand Eustaquio, na isa sa nagsulat sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Batas Pambansa 344, o ang Accessibility Law, ang rampa na ipinagawa ng MMDA para sa mga PWD.

Base sa kanyang pagsusuri, lumalabas na may incline na 14.15 degrees ang rampa na sobrang tarik umano kumpara sa standard para sa isang PWD ramp.

PWD Ramp na pinagawa ng MMDA, parang Stairway to Heaven
PHOTO : MMDA’s PWD Ramp in Quezon CIty

Lingid kasi sa kaalaman ng marami, dapat may maximum na 4.8-degree angle lang ang rampa para sa mga PWD ngunit mas matarik ng halos 10 degrees ang rampa ng MMDA kesa sa itinakdang pamantayan.

Dahil dito, kaya hindi na raw nakapagtataka na nahihirapan ang mga PWD sa paggamit ng rampa.

Iginiit din ni Eustaquio na dapat may mag-a-assist sa mga PWD tuwing dadaan sa rampa dahil sobrang delikado nito.

Aniya, “Sa ganitong kalagayan, mahihirapan ang mga PWDs na umakyat nang walang tulong, lalo na ang mga gumagamit ng wheelchair. Kailangang may magtutulak sa kanila, kundi ay delikado ito.”

MMDA, naglabas ng statement tungkol sa PWD Wheelchair Ramp Issue

Samantala, nagpaliwanag naman ang MMDA hinggil sa isyu ng ipinagawa nilang rampa para sa mga PWD.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng MMDA na dahil sa height restriction ng MRT, hindi naging posible na ipantay ang elevator sa footbridge.

Anila, “Ukol sa viral photo ng rampa sa EDSA-Philam station ng Busway station sa Quezon City, nais namin ipabatid na mayroong height restriction ang MRT na sinunod ng MMDA kaya hindi naging posible na ipantay ang elevator sa footbridge.”

Gayunpaman, bagaman hindi umano perpekto ang disenyo ng rampa para sa mga naka-wheelchair, malaking tulong pa rin naman daw ito para sa mga senior citizens, buntis, at iba pang PWDs kaysa sa paggamit ng hagdan.

Anila, “Hindi ito perpektong disenyo lalo na sa mga naka-wheelchair pero malaking tulong pa rin ito para sa mga senior citizens, buntis at ibang PWDs sa halip na umakyat gamit ang hagdan.”

Iginiit naman ng MMDA na maglalagay sila ng mga tauhan upang tulungan ang mga PWDs na mahihirapan sa pag-akyat ng rampa. 

Hindi rin umano ito kasing tarik ng lumabas na larawan sa social media kapag ginagamit.

Anila, “Magtatalaga ang MMDA ng mga kawani para umasiste sa mga PWDs kung mahirapan sila pumanhik ng rampa. Kumpara sa nag-viral na photo, hindi ito masyadong matarik kung lalakaran.”

Dagdag nila, “Inilagay ang rampa dahil sa limitadong espasyo at kung wala ito ay hindi maiilagay ang elevator sa istruktura para sa convenience ng mga commuters na sumasakay sa busway station.”

Reaksyon ng Publiko

Sa kabila ng paliwanag ng MMDA, marami pa rin ang nagpahayag ng pagkadismaya, lalo na ang mga PWD at kanilang mga pamilya. 

Iginiit nila na dapat isinasaalang-alang ng gobyerno ang tunay na pangangailangan ng mga PWD sa paggawa ng mga pampublikong pasilidad.

Sa huli, ang kontrobersyal na rampa para sa PWD sa EDSA Busway ay nagbigay-daan sa mas malalim na usapin tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa Accessibility Law at ang tunay na pangangailangan ng mga PWD sa ating lipunan. 

Nawa’y magsilbing aral ito para sa mga susunod na proyekto upang matiyak na hindi lang accessible kundi ligtas rin ang mga pampublikong pasilidad para sa lahat ng PWD.


Herlene Nicole Budol, nahulog sa stage ng GMA Gala

Usap-usapan sa social media ang beauty queen at komedyanteng si Herlene Nicole Budol matapos itong mahulog sa stage ng GMA Gala.

Sa umpisa pa lamang ay maingay nang pinag-usapan si Herlene sa GMA Gala dahil sa bonggang suot niyang gown, ngunit mas umingay ang pangalan ng beauty queen matapos itong madapa at lumagapak sa stage.

Habang rumarampa kasi si Budol sa stage ay bigla itong nadapa at nahulog, mapapansin rin sa kumakalat na mga video na ito rin ang dahilan nang pagka-gulat ng mga audience sa GMA Gala.

Netizens, hindi naniwala sa pagka-hulog ni Herlene Budol

Marami naman sa mga netizens ang nag-alala sa kalagayan ni Herlene matapos itong lumagapak sa stage, ngunit marami sa mga netizens ang nagsasabing sinadya umano ito ng komedyante para muling pag-usapan.

Ani ng mga netizens : “After her live na DIUMANO’Y hindi sinasadya na nakitang naka-underwear siya, sense ko nang cloutchaser yan.”

“Baka scripted ? Need ba uli pag usapan ?”

“Parang walang nananonood or nakatingin sakanya sa audience base sa video wala halos reaction mga tao(exceot sa nag video na nagsabii ayyy!) Kaya parang sinandya niya.”

“The way she fell looks like sinadya niya talaga. Kung totoong natumba talaga siya hindi ganyan magiging reaction mo may reflex ka dapat na mag aattempt na iregain yung balance or ilessen yung impact ng fall, pero yung sa kanya nakaspread pa yung arms para lagapak talaga sa floor. It’s either weak lang yung reflexes niya or fake papansin scripted clout chaser lang talaga siya.”

“Kailangan gumawa ng eksena para tuloy pagiging relevant patapos na black rider baka ma tengga ang gagay.”

Herlene Nicole Budol, nag hello ang “Kiffy” sa live

Kung ating babalikan, binatikos ng maraming netizens si Herlene matapos aksidente nitong naipakita sa live ang kaniyang kiffy, marami rin sa mga netizens ang hindi naniniwala sa mga pakulo ni Herlene dahil sa tingin ng iba ay sinadya niya ang mga ito para muling umingay ang kaniyang pangalan.

Herlene Nicole Budol, nahulog sa stage ng GMA Gala
PHOTO : Herlene Nicole Budol

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng kaniyang statement si Herlene tungkol sa pagka-hulog nito sa stage ng GMA Gala.


Willie Revillame, sumakit ang ulo dahil sa staff ng Wil To Win

Kakasimula pa lamang ng bagong show ng veteran TV host na si Willie Revillame, ngunit kaliwa’t kanan na ang mga isyu na hinaharap nito.

Pinagpiyestahan at binabatikos ngayon sa social media si Willie matapos umano niyang ipahiya ng live ang kanyang mga staff.

Viral ang episode ng “Wil To Win” sa TV5 noong Huwebes, Hulyo 18, kung saan mapapanood na pinagalitan ni Willie ang kanyang mga staff. 

Nag-ugat ito dahil tila hindi alam ng staff ang gagawin kahit nag-rehearsal na sila.

Willie Revillame, sumakit ang ulo dahil sa staff ng Wil To Win
PHOTO : Willie Revillame

Mga dahilan kung bakit uminit ang ulo ni Willie Revillame

Isa sa mga pagkakamali ay nang magkamali ang disk jockey (DJ) sa pag-play ng music sa simula ng isang segment. 

Nasundan pa ito nang dumaan naman sa harap ng camera ang floor director.

At panghuli nang hindi kaagad naibigay ng mga staff ang mga gagamiting props o materials para sa kanilang segment. 

Dahil dito, kaya uminit ang ulo ni Willie at sinermunan ang kanyang staff ng live.

Giit ni Willie, siya ang mananagot kapag hindi maganda ang kanyang programa. 

Aniya, “Naiintindihan niyo ba ako kung bakit ako nagagalit? ‘Yan po ang problema ‘pag hindi alam ang ginagawa sa show. Ako lahat ang nananagot. Tapos sasabihin niyo mayabang na naman, bina-bash niyo ako—kasi pinapaganda ko ang programa.”

Dagdag pa niya, kahit nire-rehearse na nila ang mga gagawin ay nagkakamali pa rin ang staff. 

Aniya, “Para malaman niyo lang ho, para maintindihan ninyo, nire-rehearse namin ito ha. Pag ni-rehearse, nagkakamali pa rin kami. Bakit?! Tapos sasabihin ninyo, ‘papagalitan na naman ‘yan’. Bina-bash ninyo ako…Nakita ninyo yung floor director namin dumaan sa camera. Floor director yun, may headphone yun.”

Willie, inaming ‘nahihirapan’ na sa kanyang bagong show

Naglabas din si Willie ng sama ng loob dahil siya umano ang nag-iisip ng lahat para sa kanilang show. 

Aniya, “Gusto ko lang maliwanag kasi ako ang nagiging kawawa, mayabang at arogante rito sa show na ito. Pero nakita niyo pati music, lahat, hindi niyo ba nakikita…Lahat ako nag-iisip para sa inyo.”

Umapela si Willie na kaawaan siya dahil hirap na hirap na umano siya. 

Aniya, “Maawa naman kayo sa akin. Ako pa bang mag-iisip niyan? Dyusko naman! Maawa kayo sa akin. Nahihirapan na ako sa show na ito. Ako lahat. Maawa kayo sa akin.”

Netizens, galit sa ginawa ni Willie sa kanyang mga staff

Samantala, umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang ginawa ni Willie na pamamahiya sa kanyang staff sa live broadcast ng kanyang show.

Marami ang naimbyerna sa ginawa ni Willie.

Isang netizen ang nagkomento ng, “Bwisit ka Willie Revillame, very entitled kunwari pro-poor pero mga staff niya na minimum wage earner din eh sinesermonan halos araw-araw, tas live pa.”

Isa pang netizen ang nagsabi ng, “Sorry but Mr. Willie Revillame needs to stop doing shows like this and simply rest. He is settled for life, worth billions of pesos. I don’t think his age could take the management and patience. Just a simple mistake and he is already off. He doesn’t need to do this, really.”

Kinumpara rin ng netizens si Willie sa mga host ng Eat Bulaga at It’s Showtime. 

Anila, “Yan ang kaibahan ng Eat Bulaga at It’s Showtime. Makakaisip pa ang mga hosts ng joke pag may nagkamali sa set. Di tulad ni Lolo Willie na high blood agad kaya mahirap katrabaho.”

Dagdag pa ng isa, “Wala e, ugali na talaga noon pa, hindi na nagbago hahaha! Imbes na marelax ka, mas-stress ka pa pag pinanood mo siya unlike E.A.T at Showtime, chill lang, puro lang happy vibes.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinagalitan ni Willie ang kanyang staff sa live broadcast. 

Noong nakaraang taon lamang ay nag-viral ang isang video clip kung saan minura ni Willie ang kanyang VJ dahil nagkamali ito.


Thursday, July 18, 2024

Direktor, pumalag sa pagpasok ni Kim Domingo sa Batang Quiapo

Pumalag ang direktor at manunulat na si Ronaldo Carballo sa pagpasok kay Kim Domingo sa serye ni Coco Martin na Batang Quiapo.

Kung ating babalikan, naging usap-usapan sa social media ang pagpasok ni Kim sa Batang Quiapo, naging pala-isipan rin sa marami kung ano ang role nito sa serye na pinagbibidahan ni Coco Martin.

July 16, naipalabas na ang unang episode ni Kim sa Batang Quiapo bilang si Madonna, hindi lingid sa kaalaman ng marami na ito ang unang proyekto ng dating sexy aktres sa Kapamilya Network.

Kim Domingo, bagong karakter sa Batang Quiapo ni Coco Martin
PHOTO : Coco Martin and Kim Domingo

Ronaldo Carballo throws shady post to Kim Domingo

Isa ang direktor at manunulat na si Ronaldo ang kontra sa pagpasok ni Kim sa serye ni Coco, ibinahagi rin nito sa kaniyang social media ang pagtawag niya kay Domingo na “ham actress” at “pokpok”.

Panimula niya : “Ay, nagpasok na rin ng pokpok na ham actress na isinuka ng GMA7 ang Teleseryeng “Batang Quiapo”.”

Ayon pa sa direktor na sobrang layo ni Domingo sa aktres-vlogger na si Ivana Alawi, dito na niya sinabi na sayang umano si Ivana dahil aalis na ito sa serye at mas magaling pa umano ito kay Kim.

Aniya : “Sayang kase, umalis na si Ivana Alawi sa show as Bubbles. si Ivana na tunay na maganda, sexy at tunay na mahusay na aktres.”

Ibinahagi rin ni Ronaldo na ini-invade na umano ng mga pokpok at porn stars ang mga prime teleserye sa kahit saang TV network.

Dagdag pa niya : ““Haaaay… ini-envade na ng mga pokpok at porn stars na walang talent sa acting at all, ang mga Prime Teleserye.”

Kim Domingo, matagal nang tumigil sa pagpapa-sexy

Nagsimula ang showbiz career ni Kim Domingo sa Kapuso Network bilang isang sexy star, ngunit nang umpisahan niya ang kaniyang Youtube channel dito na niya inamin na tumigil na siya sa kaniyang pagpapa-sexy.

Sa kanyang unang video sa YouTube, isa sa kanyang mga desisyon ang ihinto na ang kanyang sexy image.

Ayon kay Kim, hindi ito madali para sa kaniya dahil marami sa mga netizens ang hindi siya agad naintindihan sa kanyang desisyon.

Aminado rin si Kim na simula noong tinigil niya na ang kaniyang sexy image ay maraming nawala sa kaniyang mga fans.

Aniya : “Yung mga dating humahanga sa akin, sumusuporta noong time na hubadera ako, ang dami nila! As in, ang tunog ng pangalang Kim Domingo, pantasya ng bayan.

Kim Domingo, naramdaman ang tunay na respeto

Masaya si Kim sa kaniyang desisyon na tumigil sa pagpapa-sexy kahit maraming fans ang nawala sa kaniya, aminado rin ang aktres na masarap sa pakiramdam na iba ang respeto sa kaniya ng mga tao ngayon.

Aniya : “Ang daming taong mas nakaka-appreciate ngayon sa akin. Doon ako nagti-thank you. Ganito pala yung lasa ng nirerespeto ka. Mas masarap siya kesa doon sa mga ‘Ang sexy mo, ang hot mo!’”

“‘Ang sexy mo,’ ayoko na ng ganon! Gusto ko na ‘yung ‘Ang galing mo Kim.’ Mas gusto kong mapapansin ‘yung talent ko. ‘Yung ako bilang aktres. ‘Yung ako bilang artista. ‘Yun ‘yung mas gusto kong mapansin sa akin ng tao.”


IƱigo Pascual, masaya para kay Maris matapos hiwalayan si Rico

Inihayag ng aktor-singer na si IƱigo Pascual ang kaniyang suporta para kay Maris Racal matapos ang breakup nito kay Rico Blanco.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na dating magka-sintahan si IƱigo at Maris, taong 2018 tinapos nila ang kanilang relasyon at huli silang nagsama sa isang proyekto na “I’m Ellenya L.” noong 2019.

Ayon pa kay IƱigo na matagal na silang hindi nagkikita o nag-uusap ni Maris pero aminado siya na nananatili siyang updated sa mga ganap ng kaniyang ex-girlfriend.

Inamin rin ni IƱigo na super updated siya sa recent breakup nina Maris at Rico Blanco.

“I saw it, actually watched it. I feel for her. I know it’s tough,” panimula ni IƱigo.

“But I see it in a good light. She’s getting to know herself. She’s choosing herself. That’s something I’m very proud of her.

“I’m happy for her for choosing herself, to be strong for herself. hindi madali ‘yun,” dagdag pa ni IƱigo.

Maris Racal and Rico Blanco breakup

Sa isang press conference ng Star Magic nitong Biyernes, July 12, inamin ni Maris na hiwalay na sila ni Rico matapos ang limang taong relasyon.

Maris Racal, hiwalay na sa singer na si Rico Blanco
PHOTO : Maris Racal confirms breakup with Rico Blanco

Nagsimula ang rebelasyon nang tanungin si Maris kung handa na ba siyang magpakasal kay Rico. 

Sa umpisa, sinabi ni Maris na hindi muna dahil nakatutok pa siya sa kanyang career ngayon. 

Ngunit nang muling tanungin kung nakikita ba niya ang sarili na ikakasal kay Rico, naging tahimik at emosyonal si Maris.

“Anthony [Jennings] is out of the picture”

Kasabay ng pag-amin ni Maris sa hiwalayan nila ni Rico ay ang pagsulpot ng mga haka-haka na baka raw ay third party ang dahilan.

Mabilis naman na itinuro ng mga netizens na baka diumano si Anthony Jennings ang naging dahilan kaya na fell out of love si Maris kay Rico.

Anthony, hindi third party sa Maris Racal at Rico Blanco breakup
PHOTO : Maris Racal, Anthony Jennings and Rico Blanco

Ngunit paglilinaw naman ni Maris na walang third party involved at wala ring kinalaman si Anthony sa kung anuman ang rason kung bakit sila naghiwalay ni Rico.

“Anthony is out of the picture. It’s just mainly me and Rico. Mainly me, I’m the issue.” paglilinaw ni Maris.